Skip to content

June 19 - 8 am NEWS

June 19 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jun 19, 2026 | 9:20 AM

Kinumpirma ng Swiss Foreign Ministry na ipinagpaliban ang nakaplanong pag-uusap sa pagitan ng Estados Unidos at Iran ngayong Biyernes, Hunyo 19, sa mountain resort ng Bürgenstock sa Switzerland.

Sa isang opisyal na pahayag, binigyang-diin ng ministry na nananatiling handa ang Switzerland na magsilbing tagapamagitan sa diyalogo ng dalawang bansa.

Bagamat walang ibinigay na bagong petsa kung kailan ito itutuloy, patuloy pa rin ang mga paghahanda sa Bürgenstock.

Nitong Huwebes, nauna nang inihayag ng White House na hindi na bibiyahe si US Vice President JD Vance patungong Switzerland dahil hindi pa pinal ang mga plano para sa naturang diyalogo.

Sa kasalukuyan, mayroong 60 araw ang US at Iran upang isapinal ang kasunduan na naglalayong wakasan ang digmaan.

Ayon sa ilang ulat, abala ngayon ang magkabilang panig sa pagbuo ng mga “secret proposal” para sa pagpapatupad ng 14 points deal na nilagdaan ngayong linggo, kabilang ang mga detalye kung paano tutugunan ang kinabukasan ng nuclear program ng Iran.

---

Nagsagawa ng malawakang air strike ang Ukraine sa Russia.

Umabot sa mahigit 200 mga drones tumama sa iba’t-ibang targets paligid ng Moscow.

Dahil sa insidente ay mayroong 17 katao ang sugatan sa insidente.

Sinabi naman ng Russian defense ministry na mayroong halos 1,000 na mga drones at apat na cruise missiles ng Ukraine ang naharang nila.

Natamaan din ang isang oil depot sa southern Rostov kung saan nasawi ang isang indibidwal.

Ayon kay Ukraine President Volodymyr Zelensky na ang nasabing hakbang ay bilang ganti nila sa ginawang pag-atake ng Russia noong nakaraang linggo.

Ito na ang itinuturing na pinakamatinding airstrikes ng Ukraine sa Russia sa halos apat na taon na giyera doon.