Skip to content

June 19 - 7 am NEWS

June 19 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jun 19, 2026 | 8:48 AM

 Mayorya ng mga Pinoy o 81 porsyento ang nag-aalinlangan o hindi pa makapagpasya kung magiging patas at walang kinikilingan ang nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Batay sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, 19% lamang sa mga respondents ang naniniwala na magdi-desisyon ang mga senador base sa ebidensya at batas kaysa sa political considerations. Nasa 32% naman ang nagsabi na mangyayari ito habang 49% ang undecided.

Ginawa ang survey noong Abril 20-24, isang buwan bago mag-convene ang Senado bilang impeachment court. Nasa 1,200 adult Filipinos ang respondents na may edad 18-anyos pataas gamit ang face-to-face interviews.

Ayon sa survey, ang Mindanao ang nakapagtala ng pinakamataas na “skepticism” habang ang Metro Manila at Balance Luzon ang nakapagtala ng pinakamataas na “uncertainty.” 

---

Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga turistang Ruso na bibisita sa bansa. Ito ay matapos na humiling ang ilang Russian airlines na maglunsad ng direktang biyahe mula sa Russia patungo sa mga pangunahing destinasyon ng turismo rito sa bansa.

Sa pag-uusap nina Presidential Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro at Philippine Ambassador to Russia Igor Galit Bailen sa Kazan, Rusisia, sinabi nitong interesado ang mga Russian tourists sa mga tourist destinations sa bansa.

Sinabi pa ng ambassador na naghihintay na lang ngayong taon ng development mula sa Civil Aeronautics Board of the PHilippines dahil nag-apply ang S7 Siberian Airlines para makalipad muli mula sa Siberia mula sa mga siyudad ng Irkutsk, Vladivostok, at Khabarovsk, patungong Manila at Cebu.

Ayon kay Bailen, nagsimula noong nakaraang taon ang Russian airline na IrAero ng chartered flights patungong Kalibo, Aklan mula sa mga lungsod ng Irkutsk at Khabarovsk sa silangang bahagi ng Siberia.

 
---

Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian nitong Huwebes na tapos na ang “Senateflix” na drama sa Senado at balik-trabaho na ang mga senador.

Sa isang media briefing, sinabi ni Gatchalian na ilalatag na ng Senado ang mga LEDAC ­priority bills na kailangang maipasa, pati na rin ang paghahanda para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Hulyo 6.

“Tapos na ang Se­nateflix. Back to work na tayo kaya sa mga susunod na linggo, ilalatag na namin ang LEDAC bills na dapat matapos,” ani Gatchalian. “Ilalatag na rin namin ang preparations for the impeachment on July 6. Tuluy-tuloy ang coordination with our intelligence clusters, and enforcement agencies.”

Ayon kay Gatcha­lian, sa mga darating na linggo ay tututukan ng Senado ang mga panukalang batas at hihilingin sa mga senador na simulan na ang kanilang mga pagdinig upang tuluy-tuloy ang talakayan sa LEDAC bills at iba pang priority measures.

Nagsimula na rin ang Senado sa paghahanda para sa impeachment trial ni Duterte at nakikipag-ugnayan na sa mga ahensiya ng batas. Sinabi ni Gatchalian na magtatawag siya ng ­all member caucus bago ang impeachment trial.

“Marami—security, schedule, outcome ng pre-trial conference kasi doon malalaman kung gaano kahaba ang trial, kung sino ang testigo, at anong ebidensya ang ipiprisinta. Lahat ‘yan, per day, nakalatag na,” aniya.