Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Russian President Vladimir Putin na dumalo sa 21st East Asia Summit sa Pilipinas bilang bahagi ng idinaraos na ASEAN Summit sa bansa.
Ang imbitasyon ay ginawa ng Pangulo sa kanilang bilateral meetin¬g ni Putin sa sidelines ng ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan, Russia.
Binigyang-diin ng Pa¬ngulo sa pulong nila ni President Putin na maha¬laga ang papel ng summit para isulong ang matatag, ligtas at masaganang rehiyon.
Sa ginanap na bilateral meeting, binigyang-diin ni President Putin ang potensiyal para sa mas malaking kooperasyon sa larangan ng kalakalan, agrikultura at enerhiya, at ang kaha¬lagahan ng umiiral na mga mekanismo, kabilang na ang Joint Russia-Philippine Commission on Trade and Economic Cooperation.
Sa panig naman ni Pangulong Marcos Jr., binigyang-diin nito ang importansiya ng regular na political consultation at tiniyak na marami pang mga bagay na maaring gawin, partikular sa enerhiya at seguridad sa pagkain. (Aileen Taliping)
----
Umabot umano sa P700 milyon ang nasayang sa 28 araw na pamumuno ni Senador Alan Peter Cayetano sa Senado, ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson.
Sabi ni Lacson, kabilang sa mga pinakamadilim na pangyayari sa naturang panahon ang pamamaril sa loob ng Senado dalawang araw matapos maging Senate President si Cayetano noong Mayo 11 at ang pagtakas ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa habang nasa ilalim ng “protective custody” ng Senado noong Mayo 14.
Ani Lacson, nasaksihan din sa loob ng 28 araw ang pagboykot sa mga sesyon ng ngayo’y minority bloc na pinamumunuan ni Cayetano; gayundin ang nabigong tangkang destabilisasyon at bogus na pagdinig ng komite – kabilang ang isang pagdinig na ni isang senador ay walang dumalo.
Nauna nang sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na gumagastos ang Senado ng humigit-kumulang P25 milyon kada araw kapag natitigil ang mga sesyon at walang nagagawang plenary work.
Sa kabila nito, nagpahayag si Lacson ng pag-asa na sa bagong simula na dulot ng pagkakahalal kay Gatchalian bilang Senate President, gayundin ng iba pang opisyal ng Senado at mga tagapangulo ng komite sa isinagawang special session noong Miyerkoles, tuluyan nang makababalik sa trabaho ang Senado.
“This is a fresh start. And I hope everybody will cooperate, including the members of the minority,” ani Lacson.
“Hopefully ang calm after the storm nandiyan na,” ani Lacson, sabay banggit na maraming nagawa sa special session noong Miyerkoles kabilang ang pagkumpirma sa 85 foreign service officers at limang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakumpirma ang promosyon sa Commission on Appointments. (Dindo Matining)