Skip to content

June 17 - 6 am NEWS

June 17 - 6 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jun 17, 2026 | 8:47 AM
Hindi naiwasang purihin ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sina Sen. Joel Villanueva at Sen. Francis “Chiz” Escudero sa naganap na Special Session ng Senado ngayong araw, Hunyo 17.
Ayon kay Lacson, mas nangibabaw umano sa dalawang senador ang pagpapanumbalik ng kredibilidad at kaayusan sa Senado.
Dumalo ang dalawang senador sa naturang sesyon, daan upang makabuo ng 13 na quorum ang Majority bloc at makapagsagawa ng regular session, sa pangunguna ni Sen. Gatchalian bilang Senate President. Sa kabilang banda, hiniling din ni Lacson na huwag na siyang ilagay bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sawa na umano siyang mawalan ng mga kaibigan at naniniwala siyang may iba pang kwalipikado na pamunuan ang makapangyarihang komite.
**
Mariing pinabulaanan ni Senator Francis ”Kiko” Pangilinan ang mga alegasyon na isinasangkot sa kanya kaugnay ng umano’y pagpapadala ng mga maletang may lamang pera sa ilang mambabatas.
Ito ay matapos lumabas sa isang press conference noong Martes ang mga pahayag ng mga dating bodyguard ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, kung saan ipinakita rin ang isang larawan na umano’y may kinalaman kay Pangilinan at sa kanyang asawang si Sharon Cuneta.
Sa kanyang pahayag na pinamagatang “Statement on Suitcases,” sinabi ng senador na pawang mga alegasyon lamang at walang matibay na ebidensya ang mga paratang laban sa kanya.
Ayon kay Pangilinan, layunin lamang umano ng mga akusasyon na sirain ang kanyang kredibilidad, lalo na ngayong naiulat ang kanyang pag-upo bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na mag-iimbestiga sa umano’y flood control scam.
**
Patuloy ang pagyanig sa Mindanao matapos ang malakas na lindol na tumama sa karagatang malapit sa Sarangani noong Hunyo 8, 2026 na may lakas na 7.8 magnitude.
Ayon sa pinakahuling tala ng Phivolcs nitong hapon, umabot na sa 7,435 ang naitalang aftershocks.
Sa bilang na ito, 1,758 ang na-plot at 84 ang naramdaman ng publiko.
Ang saklaw ng magnitude ng mga pagyanig ay mula 1.2 hanggang 6.4.