Binilinan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Health na tiyaking maipatupad ang zero balance billing para sa lahat ng pasyenteng naospital sa mga government hospital mula sa epekto ng malakas na lindol sa Mindanao.
Ayaw ng Pangulo na mag-alala pa ang mga nabiktima ng lindol sa kanilang bayarin sa pagpapagamot habang sila ay dumaranas ng krisis sa kanilang buhay.
Matatandaang dumalaw ang Pangulo noong Huwebes sa General Santos City at personal na tiningnan ang kondisyon mga pansyenteng naka-confine sa mga pagamutan ng gobyerno na napinsala ng lindol.
Ipinag-utos ng Presidente and whole-of-government approach sa pagtugon sa epekto ng lindol at binigyang-diin na iprayoridad ang kalusugan, kaligtasan at rehabilitasyon ng mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao. (Aileen Taliping)
---
Si dating Albay Governor at 2nd District Representative Joey Salceda na ang uupong bagong hepe ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), ayon sa source ng Abante.
Itinalaga siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., isang buwan pagkatapos matapos ang appointment ban sa mga natalo noong May 2025 elections.
Si Salceda ay tumakbong gobernador noong nakaraang halalan pero tinalo ni Noel Rosal sa manipis na kalamangan lamang.
Noong Independence Day, sinabi ni Salceda na “I am taking a very high position in the administration.”
Sinabi ito ni Salceda nang maging special guest ng Polangui, Albay sa 128th Philippine Independence Day celebration nitong Biyernes, June 12, 2026.
---
Asahan na lalampas sa 25 ang mga testigong ihaharap ng prosecution panel matapos matuklasan ang umano’y paglobo ng kayamanan, kabilang ang mga ari-arian nina Vice Pres. Sara Duterte at ng kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio, kaugnay ng nalalapit na paglilitis sa Senate Impeachment Court.
Ayon kay Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, miyembro ng prosecution team, ang mga testigong ito ang magdidiin sa mag-asawang Duterte-Carpio sa apat na Articles of Impeachment na inihain ng Kamara.
“May mga lumutang na bagong ebidensya, kaya madadagdagan ang ating mga witness,” pahayag ni Ridon, na nagsabing ipatatawag nila ang mga opisyal ng mga ahensiya ng gobyerno na may hawak ng rekord ng mga ari-arian ng mag-asawa na hindi naideklara sa kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Aniya, “May mga pag-aari ang Pangalawang Pangulo at ang kanyang asawa na nakatala sa listahan ng ilang ahensiya ng gobyerno, ngunit hindi ito nakasaad sa kanilang SALN submissions mula 2007 hanggang 2024.”
Nakasaad na sa Land Transportation Office (LTO) nakarehistro ang mga sasakyan ng mag-asawa, habang sa Land Registration Authority (LRA) naman matatagpuan ang rekord ng kanilang mga lupa. Bukod sa mga opisyal ng mga ahensiya, ipatatawag din ng prosecution team ang mga dating may-ari ng naturang mga ari-arian upang ipaliwanag kung paano ito nabili ng mag-asawang Duterte-Carpio.
Kumpiyansa si Ridon na tatanggapin ng Impeachment Court ang karagdagang ebidensya, kahit hindi ito natalakay sa pagdinig ng House Committee on Justice na pinamumunuan ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, lead prosecutor.
“Wala pong nagbabawal sa prosecution panel na maglatag ng bagong ebidensya hanggang sa pretrial proceedings,” giit ni Ridon, na naniniwalang makatutulong ito sa pagpapatibay ng Articles of Impeachment. Sakaling mapatunayang guilty si VP Sara, maaari siyang mapatalsik sa puwesto at maharap sa ‘perpetual disqualification from public office.’