Skip to content

June 11 - 7 am NEWs

June 11 - 7 am NEWs
CHESTER PANGAN
Jun 11, 2026 | 8:47 AM

Pinayuhan ng Malacañang si Vice President Sara Duterte na basahin ang desisyon ng Korte Suprema sa kasong Avelino v. Cuenco  upang magkaroon ng kaalaman ukol sa mga patakaran ng Senado, partikular sa usapin ng pagpili ng liderato nito.

Ito ang naging tugon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro matapos ihayag ni Duterte na dapat mag-usap ang lahat ng 24 na senador para maresolba ang isyu sa liderato ng Senado, kabilang ang mga nagtatago at nakakulong.

Ayon kay Castro, hindi makatotohanan ang mungkahi ng Bise Presidente dahil ang mga nakaditinggeng mambabatas ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng korte at hindi ng Senado, kaya hindi sila basta-basta makakadalo o makakaboto.

Idinagdag pa ng opisyal na bilang isang abogado, marapat lamang na pamilyar ang Bise Presidente sa mga legal na hurisprudensya hinggil dito.

Nilinaw naman ni Castro na kung nais ni Duterte na makabalik sa Senado si Senador Ronald “Bato” dela Rosa upang makadalo sa mga sesyon, mas mabuting hikayatin at himukin niya ito, katulad ng ginawang hakbang ni Senador Alan Peter Cayetano.

---

 Patuloy na iginigiit ng Ipilan Nickel Corporation (INC) na hindi lang sila sumusunod sa batas, kundi ginagawang core ng operasyon ang proteksyon sa kalikasan ng Palawan. Ayon sa INC, ang reforestration ay kabilang sa mandato dahil ang Special Tree Cutting and Earth Balling Permits (STCEP) ng DENR MIMAROPA ay hindi lang bilang approval, kundi bilang binding framework para sa accountability.

“Bawat operational milestone ay may katumbas na rehabilitasyon — protektahan, ibalik, at payabungin ang likas na yaman,” ayon sa kanilang pahayag. Ang konkretong resulta ay kinabibilangan ng 3,359.62 hectares na ang na-restore sa Salogon, Maasin, at Balabac.

May nakalaan din na P160,241,083.43 para sa comprehensive reforestation. Sa 41,393 punong sakop ng permit, 30,399 ang matagumpay na na-earth ball at nailipat para muling itanim — ginastusan ng mahigit P 4.36 milyon.

Nag-donate ng 47,024.94 board feet ng lumber, karagdagang 25,000 board feet, sa mga ahensya ng gobyerno at community facilities para mapakinabangan ang cleared resources.

Ipinatutupad na pamantayan sa operasyon ang mahigpit na environmental safeguards at transparent accountability. Science-based ang bawat hakbang, kaya layunin ng INC na lampasan pa ang minimum na hinihingi ng gobyerno.

Hindi hiwalay ang environmental work sa social commitments kaya ang koneksyon sa komunidad ay family-based approach sa rehabilitation. Natutulungan ang 296 pamilya at mga People's Organization tulad ng Sitio Abubakar Coconut Farmers Association at Bulho Farmers Association sa Brooke's Point at karatig-bayan, para gawing driver ng lokal na ekonomiya ang ecological restoration.

Sa kabuuan, iginiit ng INC na ang pagmimina sa Palawan ay sinasabayan ng malaking pondo, measurable na reforestation, at direktang pakinabang sa komunidad — at ito raw ang magiging batayan ng kanilang long-term presence sa lalawigan.