Hiniling ng House prose¬cution panel sa Senate Impeachment Court na maglabas ng subpoena upang maobliga ang chief of staff ni Vice President Sara Z. Duterte na si Atty. Zuleika Lopez na dumalo bilang witness sa impeachment trial.
Nanindigan ang prosekusyon na ang magiging testimonya ni Lopez ay “material, relevant and necessary” upang mapatunayan ang Article 4 ng Articles of Impeachment, kung saan inaakusahan ang Bise Presidente ng grave threats laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Sa inisyung request para sa subpoena ad testificandum nitong Martes, sinabi ng mga prosecutor na mahalaga ang testimonya ni Lopez, hindi lang para maestablisa ang alegasyon sa ilalim ng Article 4 kundi para matukoy at ma-authenticate ang documentary, at iba pang ebidensiyang ihaharap sa impeachment court.
Hiniling ng prosekusyon na paharapin si Lopez sa hearing ng korte sa Hulyo 13, 14 at 15.
Bilang chief of staff ni Duterte, si Lopez ay umooku¬pa ng isa sa highest¬-ranking positions sa Office of the Vice President at inaasahang tatanungin sa mga bagay na may kaugnayan sa mga sirkumtansya kung bakit nagawa ng Bise Presidente ang pagbabanta laban sa Pangulo, at iba pa.
Ang kanyang testimonya ay inaasahang magbibigay sa korte ng direktang impormasyon mula sa Offic¬e of the Vice President hinggil sa mga kaganapan bago ang kontrobersyal na pahayag ni Duterte.
Inaasahan din ng prosekusyon na gagamitin ang testimonya ni Lopez para mapatatag ang konteksto at mapagtibay ang iba pang ebidensiya para masuportahan ang alegasyon sa grave threat imbes na political rhetoric lamang.
Kung aaprubahan ng impeachment court ang request, si Lopez ay magiging isa sa pangunahing testigo ng prosekusyon sa Article 4.
Nitong Martes, iniharap ng prosekusyon ang testigong si John Mark Calilung ng NBI Cybercrime Division team na siyang nagsiyasat sa authenticity ng video ng pagbabanta ni Duterte kay Marcos. (Billy Begas)
---
Kaugnay ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking ligtas ang mga kalsada, isinagawa ng Department of Transportation (DOTr) ang Philippine Road Safety Summit 2026 sa Marco Polo Hotel, Pasig City, na naglalayong tiyakin ang isang bagay na mahalaga sa bawat pamilyang Pilipino—na ligtas na makauwi ang bawat isa mula sa biyahe.
Sa ilalim ng temang "Sama-sama Patungo sa Mas Ligtas na Kalsada," pinagtitipon ng summit ang mga ahensya ng gobyerno, ang sektor ng transportasyon,at mga civil society organization para sa iisang panata: zero road crash deaths—walang dapat mamatay sa aksidente sa kalsada.
Binuksan ang programa ng DOTr Assistant Secretary Col. Dioscoro Reyes PA MNSA (Ret.), na nagpaalala na ang kaligtasan sa kalsada ay isang pambansang responsibilidad na kinikilala ng batas mula pa noong Proclamation No. 115-A, series of 1966—at na ang summit na ito ay hindi lamang isang pagpupulong, kundi isang plataporma para sa totoong pagbabago.
“Sa tulong ng summit na ito, mas mapapalapit tayo sa mga konkretong solusyon laban sa mga problemang pangkalsadang patuloy nating hinaharap.” ani DOTr Senior Undersecretary Atty. Mark Steven Pastor, na nagbigay ng keynote address sa ngalan ng Acting Secretary Giovanni "Banoy" Lopez.
"Ang simpleng pagharang sa pedestrian lane o pagsingit sa red light—hindi ito basta maliit na bagay," dagdag ni Senior Undersecretary Pastor. "Ito ay sintomas ng kulturang dapat nating sama-sama baguhin. Bawat motorista, rider, tsuper at commuter—bahagi kayo ng solusyon."
Pangunahing tinalakay sa summit ang katuparan ng Philippine Road Safety Action Plan (PRSAP) 2023–2028—ang pambansang plano laban sa mga aksidente sa kalsada. Kabilang sa mga target nito ang pagbabawas ng hindi bababa sa 35% ng mga namatay sa road crashes bago mag-2028, bilang hakbang patungo sa mas malawak na layunin ng Vision Zero.
Kasama ng DOTr sa pagharap sa publiko ang Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Health (DOH), Department of Public Works and Highways (DPWH),Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP)—para iulat ang mga kasalukuyang program at tunguhin at pagbubutihin ng plano.
Binigyang-diin din ni Assistant Secretary Reyes ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga sektor upang siguruhing mas ligtas ang kalsada.
Aniya, “The challenge of road safety cannot be addressed by one agency alone. The Department of Transportation, LTO, LTFRB, DOH, DPWH, DepEd, DILG, MMDA, PNP, local governments, and our private and civil society partners each play a vital role in building a safer road environment.”
Ibinahagi rin ng mga operator ng mga pampublikong sasakyan, TNVS at mga civil society group ang kani-kanilang mga programa. Nagsagawa rin ng commitment setting upang magpahayg ng pananagutan ang mga sektor upang siguruhing mas ligtas ang mga kalsada.
Isa pa lamang ito sa mga unang malaking programa ng DOTr para sa 2026—patunay na buong taon ang pagpupursigi ng ahensya para sa mas ligtas na biyahe ng bawat Pilipino.