Sugatan ang 18 katao matapos ang naganap na pagsabog sa Damascus, Syria.
Naganap ang nasabing pagsabog malapit sa hotel kung saan tumutuloy si French President Emmanuel Macron.
Mayroon pang dalawang pampasabog ang agad na nakita ng mga security forces kung saan ito ay biglang sumabog habang isinasagawa ang pag-defuse ng mga otoridad.
Ang isang pampasabog ay nakatago sa nakaparadang sasakyan habang ang isa ay nakatago sa isang basurahan.
Nasa Syria si Macron para makapulong ang pangulo nila na si Ahmed al-Sharaa sa presidential palace.
Matapos dito ay magtutungo sa Turkey si Macron para sa NATO Summit.
---
Mahigit 10,000 residente ang inilikas matapos ang isang malawakang wildfire sa timog ng France, malapit sa border ng Spain, ayon sa mga awtoridad.
Patuloy na hindi makontrol ng mga awtoridad ang sunog na tumupok na sa halos 4,600 ektarya ng kagubatan sa paanan ng French Pyrenees.
Ayon sa mga opisyal, 16 katao na ang nasugatan, kabilang ang apat na bumbero.
Dahil sa maalinsangang panahon at malalakas na hangin, inaasahang lalo pang kakalat ang apoy sa mga susunod na oras.
Dahil sa lawak ng pinsala, nagpadala na ang European Union ng apat na water-bombing aircraft mula sa Cyprus at Sweden, gayundin ng mahigit 100 bumbero upang tumulong sa mga emergency response team sa bayan ng Trevillach, malapit sa lungsod ng Perpignan.
Naapektuhan din ng wildfire ang Tour de France, kung saan isinara sa publiko ang bahagi ng ruta upang bigyang-daan ang operasyon ng mga bumbero.
Sinabi ni European Commission President Ursula von der Leyen na nakikiisa ang European Union sa France sa pagharap sa sakuna.
Ayon sa mga eksperto, ang matinding init na naranasan sa France at iba pang bansa sa Europa nitong mga nakaraang buwan ang nagpatuyo sa malalawak na lupain nito, dahilan upang mas madaling kumalat ang mga wildfire.
Inaasahan ding muling aabot sa 40 degrees Celsius ang temperatura sa timog-kanluran ng France ngayong linggo, habang patuloy ring nakararanas ng matinding heatwave ang Spain at Portugal.