Skip to content

July 6 - 6 am NEWS

July 6 - 6 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jul 06, 2026 | 10:05 AM

Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangan pang pag-aralang mabuti ang panukalang ibaba ang minimum age of criminal responsibility kasunod ng sunod-sunod na insidente ng karahasan na sangkot ang mga menor de edad.

Ayon sa Pangulo, mahalagang alamin muna ng mga eksperto kung bakit tila nababawasan ang takot at emosyon ng ilang kabataan sa karahasan.

“I’m not sure how that will work. We have to study it further,” ani Marcos Jr. sa panayam sa mga mamamahayag matapos ang kanyang apat na araw na official visit sa Canada.

Aniya, posibleng may epekto ang social media at iba pang pagbabago sa mundong ginagalawan ng mga bata, pero kailangan muna itong mapatunayan.

“When it is clear that a certain game or class of games are responsible for the desensitization of our children to violence, then yes, I think we should ban them,” anang Pangulo. (Prince Golez)

---

Hindi tulad ng ibang mambabatas na nakaladkad sa flood control scandal, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na sisiw lang ang trabaho ng pagsasampa ng kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta.

“Ito tinatanong n’yo sa akin bakit finile ‘yung kaso ng plunder sa isang senador, itong linggong ito kasi malinaw na malinaw na ‘yung mga facts, ang ebidensiya hindi na kailangang halukayin. Ang kailangan lang dito sabihin na lang ng korte kung tama kami o mali,” paliwanag ni Remulla sa radio program nito.

“Kaya madali tayong mag-file,” dagdag pa niya.

Matatandaan na sinabi mismo ni Marcoleta sa television interview na hindi niya dineklara ang P75 campaign donation dahil sa pakiusap ng mga nagbigay na huwag silang pangalanan.

Nangatuwiran pa si Marcoleta na hindi siya maaa¬ring makasuhan dahil hindi pa nagsisimula ang kampanya noong binigay ang P75 milyon noong Enero 2025 ng tatlong pribadong indibiduwal.

Ngunit ayon sa Ombudsman, may pananagutan sa batas si Marcoleta sa pagtanggap ng regalo.

“The amount of P75 million was amassed and acquired by respondent Marcoleta in three separate occasions through unjust enrichment that clearly form a series or pattern directed toward the common goal or scheme of unlawfully enriching himself at the expense of the public,” diin ng Ombudsman.

---

Naniniwala si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na ibibida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27 ang walong “cong-tractor” na kakasuhan sa Sandiganbayan.

Ayon kay Remulla, isasailalim na sa preliminary investigation ang walong kongresista na may conflict of inte¬rest dahil sa construction business na pinapatakbo ng kanilang pamilya.

“Itong sa Congress, ang ipa-file namin mahigit walo, for PI, preliminary investigation na. That is of course, within 60 days aabot na ng Sandiganbayan iyan,” paglalahad ng Ombudsman sa kanyang radio program.

“May mga aabot diyan (sa SONA) pero ano na yan, ‘pag may case na for preliminary investigation. Ang AMLC (Anti-Money Laundering Council) pumapasok na. Nakikita na namin may monitoring records eh,” dagdag ni Remulla.

Hindi binanggit ni Remulla ang pa¬ngalan ng walong “cong-tractor” pero dati nang tinukoy ni dating ICI chair Andres Reyes ang mga ito na sina dating Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co para sa FS Co. Builders Supply; Construction Workers Solidarity Party-list Rep. Edwin Gardiola para sa Newington Builders, Inc., Lourel Development Corp., at S-Ang General Construction and Trading¬, Inc.; Uswag Ilonggo Party-list Rep. James Ang Jr. para sa IBC International Builders Corp. at Allencon Development Corp.; Pusong Pinoy Party-list Rep. Jernie Jett Nisay para sa JVN Construction and Trading; Bulacan 2nd District Rep. Augustina Pancho ng CM Pancho Cons¬truction, Inc.; Cagayan 3rd District Rep. Joseph Lara ng JLL Pulsar Construction Corp.; Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco Matugas ng Boometrix Deve¬lopment Corp.; at Tarlac 3rd District Rep. Noel Rivera for Tarlac 3-G Construction and Development Corp.

Samantala, isiniwalat naman ni Remulla na nilapitan siya ng mag-asawang contractor at nagrereklamo kung bakit umano sila ipina-subpoena ng Ombudsman.

“Ito nakakagulat. May nagpunta sa akin na isang political family, mag-asawa na politiko na mga anak nila politiko rin. May dalang mga subpoena. “Tinatanong sa akin bakit ganu’n, sabi ko ‘ganu’n talaga’ kasi ‘cong-tractor’ sila,” paglalahad ni Remulla.

“Ang sinabi pa sa akin ‘wala naman sa pangalan ko, wala na sa pangalan namin ‘yan.’ Sabi ko ‘hindi beneficial interest pa rin iyan, binabantayan namin iyan,” dagdag pa niya.