Nilinaw ni Vice President Sara Duterte nitong Martes, Hulyo 28, na wala siyang sinabi na lalabas sa International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.
Ayon sa bise presidente, walang ganitong pahayag sa transcript ng kanyang speech at hindi niya alam kung saan nagsimula ang naturang impormasyon.
"Wala akong sinabi doon sa speech ko na lalabas si PRRD next week," ani Duterte.
Dagdag pa niya, ang nakasaad lamang sa website ng ICC ay ang iskedyul ng trial proper ng dating pangulo.
Nahaharap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng ICC kaugnay ng imbestigasyon sa kanyang anti-drug campaign.
---
Tinawag ng dating Land Bank of the Philippines department manager na si Violeta Constantino na "unusual" ang malalaking cash withdrawal ng Office of the Vice President sa kanyang pagtestigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules, Hulyo 29.
Sa pagtatanong ni Senator-Judge Erwin Tulfo, sinabi ni Constantino na hindi pangkaraniwan ang ganitong kalalaking withdrawal ngunit hindi ito kinuwestiyon ng bangko dahil may paunang abiso mula sa Office of the Vice President.
Idinagdag naman niya sa pagtatanong ni Senator-Judge Raffy Tulfo na tatlo hanggang apat na gym bags ang ginamit ng OVP staff upang dalhin ang P125 milyon na cash.
Si Constantino ay testigo ng prosekusyon para sa Article I ng impeachment complaint, na tumatalakay sa umano'y maling paggamit ng confidential funds.
---
Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lugar na kilalang balwarte ng pamilya Duterte, isang araw matapos ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).
Pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng programang Bawat Bayan Makikinabang (BBM) para sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte, at Davao Occidental, kung saan namahagi ng P132.95 milyon halaga ng agrikultural at fishery interventions upang suportahan ang produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.
Bumiyahe rin si Marcos sa Mintal, Davao City upang bisitahin ang Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) program.
Ang proyekto ay isang vertical housing development na layong makapagtayo ng 72 gusali na may kabuuang 7,200 housing units sa 14 ektaryang lupain.
Sa ngayon, natapos na ang 26 gusali o katumbas ng 26,000 housing units na pakikinabangan ng mga kuwalipikadong benepisyaryo.
Nauna rito, ininspeksiyon ng Pangulo ang Davao de Oro Provincial Hospital-Montevista at tiningnan ang pagpapatupad ng Zero Balance Billing Program.
Ang pagbisita ni Marcos sa balwarte ng mga Duterte ay nakikitang may simbolikong bigat, lalo’t kasabay ng mga usaping pulitikal na bumabalot sa kasalukuyan.