Skip to content

July 28 - 8 am NEWS

July 28 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jul 28, 2026 | 10:02 AM

Dumating na sa White House si Ukraine President Volodymyr Zelensky para sa pakikipagpulong kay US President Donald Trump.

Umaasa ang Ukraine President na makakuha ito ng mas maraming anti-ballistic missiles defences.

Ang nasabing pagbisita ni Zelensky ay kasabay ng mas pinaigting na pag-atake nila sa Russia.

Kung saan ayon sa alkalde ng Moscow na mayroong 390 drones ang umatake sa kanila ng magdamag.

Susubukan din ni Zelensky na pilitin si Trump na bigyan sila ng lisensya para mabigyan ng lisensiya at makagawa ng Patriot interceptor missiles.

Kapag nabigyan na sila ng lisensya ay makakagawa na sila ng mga PAC-2 at PAC-3 interceptors sa Ukraine na isang malaking panlaban nila sa Russia.

---

Kinumpirma ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi na mayroong mahigit 50 katao na ang nasugatan dahil sa pagtama ng magnitude 7.1 na lindol.

Sinabi nito na mayroon na itong ipinakalat na rescue team para iligtas ang mga ito sa gumuhong shopping center.

Dagdag pa nito na mayroong ilang mga kalsada at gusali ang nagtamo ng damyos mula sa nasabing pagyanig.

Wala namang naging damyos sa Sendai nuclear power plant kung saan matatagpuan ito sa epicenter ng lindol kung saan base sa pagtaya ng International Atomic Energy Agency na nananatiling intact ang nasabing power plant.

---

Pasado na bilang batas ang parusang kamatayan para sa cyberscam sa Myanmar.

Kinumpirma ni Union Parliament Speaker Aung Lin Dwe na naipasa ang “Anti-Online Scam Bill” matapos aprubahan ng parliyamento ang mga pagbabago sa draft bill sa pagpupulong ng mababa at mataas na kapulungan nitong umaga ng Martes, Hulyo 28 sa kabisera ng Naypyidaw.

Ayon kay Lower house MP Aye Chan, hindi ganoon karami ang binago sa draft bill matapos ang naging pag-uusap ng dalawang kapulungan at nananatiling pareho ang mahahalagang parte ng panukala.

Base sa inilathalang draft legislation noong Mayo, papatawan ng sampung taon hanggang sa habambuhay na pagkakakulong gayundin ng parusang kamatayan, ang mga sangkot sa karahasan, torture, unlawful arrest at detention o malupit na pagtrato sa mga indibidwal para puwersahing magtrabaho sa mga online scam center.

May habambuhay na pagkapiit o life imprisonment din para sa mga nagpapatakbo ng online scam centers o gumagawa ng crypto scam.

Sakali man na humantong ang ganitong paglabag sa kamatayan, dapat na ipataw ang death penalty.

Ginawa ang naturang hakbang sa gitna ng talamak na internet fraud factories sa war-torn country, target ang web users sa buong mundo sa pamamagitan ng romance at cryptocurrency investment cons.

Ang anti-scam law ay kauna-unahang batas na naipasa ng bagong gobyerno ng Myanmar, na pinamumunuan ni dating junta chief Min Aung Hlaing.