Kinumpirma ni Senador Panfilo Lacson na naipasakamay na ng kaniyang team ang mga ebidensiyang nakalap sa umano’y anomaliya sa infrastructure projects sa Taguig City, na balwarte ni Senate Minority Leader Sen. Alan Peter Cayetano.
Ayon sa senador, ang Ombudsman ang magsasagawa ng karagdagang evaluation at ‘motu propio’ investigation sa lahat ng mga nakalap na documentary at testimonial evidence gayundin ang official records mula sa government websites at iba pa na mula sa reliable sources.
Tinitignan aniya nila ang posibilidad ng kasong plunder, malversation, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban sa mga responsable sa mga maanomaliyang proyekto.
**
Wala nang kasunod na banta sa seguridad sa Department of Justice (DOJ) at sa Senado, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Rae Co, ligtas at kontrolado na ang nasabing mga lugar habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon.
Nauna nang kinumpirma ang pagsabog ng improvised explosive devices (IEDs) malapit sa Padre Faura Street gate ng DOJ compound bandang alas-12:17 ng madaling araw nitong Lunes, Hulyo 27, 2026.
Walang nasugatan ngunit dalawang sasakyan ang bahagyang nasira.
Mayroon namang nakitang kahina-hinalang improvised explosive device (IED) sa center island ng Diokno Boulevard sa Pasay City bandang alas-8 ng umaga sa parehong araw.
**
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino, lalo na ang mga nasa impormal sector at mga self-employed, na regular na maghulog sa Social Security System o SSS at Pag-IBIG Fund upang matiyak ang kanilang seguridad sa hinaharap.
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na nasa 44 milyong Pilipino na ang sakop ng SSS. Kabilang dito ang mga driver, vendor, gig workers, at mga job order at contract of service workers.
Ayon kay PBBM, layunin ng pamahalaan na mas marami pang manggagawa, lalo na ang mga nasa impormal na sektor, ang maging miyembro ng SSS.
Binigyang-diin din ng Pangulo na mahalaga ang SSS, Pag-IBIG Fund, at GSIS dahil nagbibigay ang mga ito ng tulong pinansyal sa panahon ng emergency, kalamidad, at iba pang krisis.
July 28 - 6 am NEWS
Jul 28, 2026 | 9:20 AM