Jul 23, 2026 | 7:44 AM
Naniniwala si Dr. Renato de Castro, defense analyst at distinguished professor ng Department of International Studies sa De La Salle University (DLSU), na nararapat ilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nilalaman ng provisional memorandum of understanding (MOU) na umano’y nabuo sa pagitan ng Pilipinas at China noong Hulyo 2024.
Ang kanyang pahayag ay kaugnay sa insidente sa Ayungin Shoal kung saan dalawang sundalong Pilipino ang nasugatan matapos hampasin ng baton ng mga miyembro ng China Coast Guard (CCG).
Binigyang-diin ni de Castro na kung totoo ang sinasabi ni Chinese Ambassador Jing Quan hinggil sa provisional MOU, dapat ipaalam ng DFA sa publiko ang eksaktong nilalaman nito upang malinawan ang lahat.
Nauna nang sinabi ni Jing Quan na lumapit ang CCG dahil umano sa nakitang konstruksyon sa BRP Sierra Madre, na aniya’y labag sa kasunduan ng Pilipinas at China.
***
Ipagkakaloob ng Australia ang halos ?1.2 bilyong bagong maritime assistance sa Pilipinas upang mapalakas ang seguridad sa karagatan sa gitna ng tensyon sa pinagtatalunang karagatan.
Inanunsyo ito ni Australian Foreign Minister Penny Wong sa kaniyang pagbisita sa Maynila.
Kabilang sa maritime assistance ang makabagong drones para sa Philippine Coast Guard (PCG) gaya ng underwater drones, counter-drone systems, at heavy-lift UAVs. Kasama rin dito ang pagsasanay sa mga operator ng drone na nasa P427 million o A$10 million.
Nasa ?770 Milyon (A$18 Million) ang bagong pamumuhunan sa loob ng apat na taon para sa civil maritime assistance. Doble ito sa mga nakaraang tulong para sa bansa. Layunin nito na mapabuti ang pagbabantay sa malawak na karagatan ng Pilipinas.
Samantala, binatikos din ng Australian Foreign Minister ang kamakailang pagsasagawa ng nuclear-capable submarine-launched missile test ng China mula sa disputed waters, na lumipad sa himpapawid ng Pilipinas at bumagsak malapit sa mga bansa sa Pacific, bilang “provocative at destabilising.”