Skip to content

July 21 - 8 am NEWS

July 21 - 8 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Jul 21, 2026 | 8:30 AM

Patuloy ang joint investigation ng militar at PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek at malaman ang motibo sa paghagis ng fragmentation grenade sa isang military vehicle sa Barangay Mother Patuan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Sabado ng umaga.

Dinala ang mga biktima sa ospital at nasa stable na kondisyon. Batay sa paunang imbestigasyon, sakay ng isang itim na motorsiklo ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki nang hagisan nila ng granada ang military vehicle habang dumaraan sa Cotabato-Isulan Highway, harap ng pamilihan sa Poblacion ng Shariff Aguak.

***

Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa lahat ng BSP-Supervised Financial Institutions (BSFIs) na palakasin ang kanilang mga hakbang laban sa money laundering, terrorism financing, at proliferation financing kaugnay ng mga kliyenteng sangkot sa casino junket operations (CJO).

Ang CJOs ay mga kumpanya o indibidwal na nag-aayos ng gaming-related services para sa mga high-value patrons, kabilang ang travel arrangements, pagpapahiram ng kredito, at booking ng mga gaming room.

Sa inilabas na guidance paper na pinamagatang “Risk Management Practices for Customers Engaged in Casino Junket Operations”, naglatag ang BSP ng mga panuntunan upang maiwasan ang paggamit ng BSFIs bilang daluyan ng ilegal na gawain gaya ng money laundering, terrorism financing, at iba pa.