Inamin ni National Bureau of Investigation o NBI Director Melvin Matibag na kabilang ang kanyang asawa na si Laguna 1st District Representative Ann Matibag sa mga mambabatas na sumuporta sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Pero nilinaw ni Matibag sa paglilitis na hiwalay ang trabaho ng kanyang asawa bilang kongresista sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng NBI.
Ayon sa kanya, hindi naimpluwensiyahan ang ng kanyang asawa ang kanyang trabaho, at patas umano siya sa kanyang ginagampanang tungkulin.
Sinabi rin ni Matibag na pumayag siyang tumestigo matapos siyang imbitahan ng House prosecution panel. Dagdag pa niya, handa rin siyang tumestigo para sa kampo ng depensa kung siya ay inimbitahan.
***
Itinanggi ng Department of Justice na kanilang ipinag-utos sa NBI na imbestigahan ang mga flood control projects sa Taguig City.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, nirerespeto nila ang mandato ng NBI na magsagawa ito ng kanilang sariling imbestigasyon.
Kung kaya’t binigyang diin ng kalihim na ang paglulunsad ng kawanihan ng imbestigasyon ay nakabatay sa mandato nitong dapat tuparin at alinsunod sa kautusan ng Department of Justice sapagkat wala naman aniya silang ipinag-utos.
Gayunpaman, pagtitiyak ni Justice Sec. Vida na makaseseguro naman umano na nakabase ang isinasagawang pag-iimbestiga sa ebidensya lamang.