Pinangangambahan ngayon na mauwi sa mas malawak na digmaan ang pagkasawi ng mga sundalo ng Estados Unidos sa mga pag-atake ng Iran sa Jordan at Iraq.
Noong weekend, kinumpirma ng US military na isa sa kanilang sundalo ang nasawi sa pag-atake ng Iran sa northern Iraq, isang araw lamang matapos ang pag-atake sa US military base sa Jordan, na kumitil sa dalawang sundalong Amerikano at nag-iwan pa ng isang service member na nawawala.
Ayon sa Central Command (Centcom), isang indibidwal ang napaslang sa isang “controlled detonation of unexploded ordnance” mula sa pinabagsak na Iranian attack drone, na ikinasugat ng ikalawang service member.
***
Hinikayat ng International Criminal Court (ICC) ang lahat ng mga bansa at kani-kanilang mga korte na suportahan ang pagpapatupad at pagpapairal sa international law sa buong mundo.
Ginawa ni ICC President Judge Tomoko Akane ang apela kasabay ng selebrasyon ng pagkakabuo ng Rome Statute, 28 taon na ang nakakalipas, sa pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo.
Ayon kay Akane, ang ICC ang tanging permanent court na may kapangyarihang tuldukan ang ‘impunity’ o kawalan ng pananagutan, at habulin ang mga makapangyarihang lider na gumagawa ng mga karumal-dumal na krimen.