Skip to content

July 17 - 8 am NEWS

July 17 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jul 17, 2026 | 9:54 AM

Nabaon sa lupa ang ilang residential buildings at na-trap ang hindi pa matukoy na bilang ng mga tao kasunod ng landslide sa southwestern city ng China na Chongqing ngayong Biyernes, Hulyo 17.

Sa ulat ng state media, walong katao ang nasagip mula sa mga debris habang nagpapatuloy ang search at recue operations.

Nangyari ang lanslide dakong alas-9:08 ng umaga sa Pengshui county sa Chongqing.

Ang naturang county ay matatagpuan sa southeast part ng Chongqing, na may border sa mga provinces ng Hubei at Guizhou.

Sa ngayon, wala pang detalye kung may mga naitalang caualties sa naturang sakuna.

---

Hindi bababa sa 13 katao ang nasawi sa magkahiwalay na pag-atake ng Russia at Ukraine nitong nakaraang araw.

Sa bahagi ng Ukraine, tinarget ng Russia ang mga lungsod ng Zaporizhzhia, Odesa, Kharkiv, Sumy, Donetsk, at Kryvyi Rih, na nagresulta sa pagkamatay ng mga sibilyan at pagkasira ng mga gusali.

Sa kabilang banda, iniulat ng Russia na isang sibilyan ang nasawi sa Belgorod region dahil sa shelling ng Ukraine.

Ayon sa mga ulat, gumamit ang Russia ng guided bombs, missile strikes, at drone attacks na nagdulot ng malawakang pinsala at sugatan sa mahigit 50 katao.

Sa Odesa, tumama ang missile strike sa imprastrukturang sibilyan, habang sa Sumy region tatlo ang nasawi sa aerial bomb attack.

Samantala, iniulat ng Moscow na tinarget ng Ukraine ang ilang cargo ships sa Sea of Azov, na ginagamit para sa transportasyon ng agricultural products at supply sa Crimea.

Patuloy na tumitindi ang tensyon sa digmaan na mahigit apat na taon nang tumatagal, kung saan ang United Nations ay nagbabala na Hunyo 2026 ang naging pinakamadugong buwan para sa mga sibilyan mula pa noong Abril 2022.