Mas maraming high-value jobs ang inaasahang malilikha sa Pilipinas habang patuloy na pinalalawak ng Singtel Group ang mga investment nito sa artificial intelligence (AI), cloud technology, at data centers.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., patuloy nang nagiging kaakit-akit ang Pilipinas para sa mga digital economy investment.
“The Philippines is becoming an increasingly attractive destination for investments in the digital economy,” ani Marcos sa kanyang Facebook post.
Dagdag pa ng Pa¬ngulo, makatutulong ang pagpapalawak ng Singtel sa AI, cloud technologies, at data center infrastructure para mapalakas ang digital infrastructure ng bansa at makapagbigay ng mas maraming de-kalidad na trabaho.
“Investments like these help ensure that the opportunities of the digital age translate into real benefits for the Filipino people,” dagdag niya. (Prince Golez)
---
Nauubos na umano ang pasensiya ng mga tagamasid ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa mga “obviously irrelevant” na manifestation, ayon kay Senator-Judge Panfilo “Ping” M. Lacson.
Nitong Huwebes, Hulyo 16, ibinahagi ni Lacson ang isang palitan ng biro sa kapwa senator-judge kung saan binanggit niya na malamang ikatuwa ng nasa gallery ang mosyon na ipagpaliban ang paglilitis tuwing nagkaroon ng ganitong mga manifestation.
“DAY 6: A fellow senator-judge has jokingly asked me if he can move for the division of the house every time he feels annoyed by manifestations obviously irrelevant to the impeachment trial. I told him, a motion to adjourn will elicit more applause from the equally annoyed gallery,” sabi ni Lacson sa kanyang post sa X.
Sa ika-anim na araw ng impeachment trial noong nakaraang Miyerkoles, walang iniharap na testigo ang prosekusyon ngunit nagkaroon ng mahahabang manifestation, kabilang ang mga tumalakay sa tiyempo ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa multibilyong pisong sports complex sa Tarlac para sa 2019 Southeast Asian Games. (Dindo Matining)
---
KINUMPIRMA ni dating NBI Director Jaime Santiago na ang “Oplan Romanov’ ay unang nabanggit bilang warning o banta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa First Family.
Sinabi ni Santiago na ang terminong “Romanov” ay unang binanggit ni Davao City Mayor Baste Duterte sa Maisug rally noong Enero 2024.
Malinaw ayon kay Santiago ang babala noon ni Mayor Baste kung saan sinabi niyang dapat alalahanin ni Pangulong Marcos ang sinapit ng Romanov family bago siya matulog.
Kaya ayon kay Santiago, maging siya ay nagulat nang tila nabago ang kUwento at naging banta umano kay Vice President Sara Duterte ang ‘Oplan Romanov’.
Magugunitang sa Se¬nate impeachment trial, sinabi rin ng testigo ng prosekusyon na si Atty. Jeremy Lotoc na unang nadinig ang “Romanov” mula kay Mayor Duterte.