Skip to content

July 16 - 7 am NEWS

July 16 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jul 16, 2026 | 9:19 AM

InanunsIyo ng Bureau of Immigration (BI) na ibaba¬lik na sa detention facility ang mining executive na si Joseph Sy ngayong linggo matapos siyang ideklarang maaari nang ma-discharge ng kanyang mga doktor.

Nasa kustodiya ng BI si Sy kaugnay ng deportation case na isinampa laban sa kanya matapos ang imbestigasyon sa umano’y pagkuha nito ng mga dokumento ng Philippine citizenship.

Ayon kay BI Commissioner Joel Viado, pinayagan lamang si Sy na manatili sa ospital dahil sa kanyang kalagayan.

“Mr. Sy’s temporary hospital confinement was approved because of medical necessity. With his attending physicians having certified that he is already fit for discharge, the medical basis for his continued hospital confinement no longer exists,” ani Viado.

Nilinaw ng opisyal na mananatili si Sy sa kustodiya ng BI habang hindi pa pinal ang kaso. Aniya, ang pagbabalik nito sa detention facility ay administratibong hakbang lamang at walang epekto sa nagpapatuloy na pagdinig sa korte. (Prince Golez)\

---

Dedma lang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahit tumaas o buma¬ba pa ang kanyang ratings sa mga survey.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na trabaho pa rin ang pa¬ngunahing inaasikaso ng Pangulo at hindi ang mga numero sa survey.

“Ang focus ng Pangulo ay magtrabaho. Kung ano ang kailangang maipaabot sa ating mga kababayan, ‘yan ang gagawin ng Pa¬ngulo at ng administrasyong ito,” ani Castro.

Ayon pa sa Palasyo, hindi naman nila binabalewala ang resulta ng mga survey dahil ginagamit pa rin ito ng mga miyembro ng Gabinete bilang gabay sa mga programang dapat unahin at isulong.

“Pero ang Pangulo, gumanda man o hindi gumanda ang survey, para sa kanya, hindi po siya maaapektuhan. In the first place, hindi naman siya tatakbo bilang Pangulo sa susunod. So, trabaho lang po ang Pangulo,” dagdag ni Castro. (Prince Golez/¬Aileen Taliping)

---

Kinumpirma ni National¬ Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Ma¬tibag na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang ahensiya tungkol sa umano’y unliquidated funds at iregularidad sa procurement sa pagpapatayo ng sports complex para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games sa New Clark City.

Ayon kay Matibag, umaabot sa P10 bilyon ang ginamit sa proyekto na hindi pa nali-liquidate. Aalamin din ng ahensiya ang ulat na hindi nagkaroon ng competitive public bidding nang ipagawa ang pasilidad.

Aniya, nakapokus nga¬yon ang mga imbestigador sa umano’y unliquidated funds, bypassing ng procurement requirements, at ang halaga ng kontrobersiyal na Olympic-style cauldron na ginamit sa opening ceremonies ng 2019 SEA Games.

Inilabas umano ang pondo sa pamamagitan ng insertion sa General Appropriations Act.

Kinumpirma rin ni Mati¬bag na kabilang sa iimbestigahan ng NBI ay si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, kung saan ito ang tumayong head ng Philippine SEA Games Organizing Committee noong 2019.

“Hindi naman ako nakikipagbangayan sa kanya. I’m always respectful to everybody especially to the member of the Senate. It’s so happen siguro na siya ang involved dito,” wika ni Matibag.

“Kung kailangan natin siyang tanungin we will respectfully ask him to give light on this,” dagdag pa niya.

Tiniyak naman ni Cayetano na hindi niya uurungan ang imbestigasyon ng NBI sa binuhay na isyu.

“Go ahead if you want to investigate,” diin ni Cayetano sa kanyang manifestation sa ika-anim na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. (Dindo Matining)