Isinusulong ni Negros Occidental Rep. Javier Miguel “Javi” Benitez ang Artificial Intelligence Development and Regulation Act na layong pabilisin ang pag-unlad at responsableng paggamit ng AI sa bansa.liberasyon. Pinagsama-sama ng TWG ang 26 panukalang batas, tatlong resolusyon, at isang privilege speech para sa substitute bill na prayoridad ng Kamara.
Sa panukala, tanging high-risk AI systems ang kailangang iparehistro at sumailalim sa safety review. Pinapayagan ang mga startup na gumamit ng regulatory sandbox para sa gabay sa pagbuo at pagsubok ng AI.
Nakasaad din ang proteksyon sa mga manggagawa: bawal tanggalin ang empleyado batay lamang sa desisyon ng algorithm. Kailangan ng 60 araw na abiso at retraining bago ang displacement.
Binigyang-diin ng mga kalahok na dapat suportahan ng AI ang human autonomy, decision-making, at oversight, habang tinutugunan ang epekto nito sa kapaligiran, seguridad, at pandaigdigang supply chain.
---
Maglalabas na ng desisyon ang Impeachment Court sa Lunes, Hulyo 20, hinggil sa kahilingan ng House prosecution panel na i-subpoena ang tax, bank, at Anti-Money Laundering Council (AMLC) records ni Vice President Sara Duterte at ng kaniyang asawang si Atty. Mans Carpio.
Ang magiging desisyon ay kasunod ng isinagawang caucus ng mga senator-judge nitong Miyerkules ng hapon.
Ayon kay Presiding Officer Francis ”Chiz” Escudero, nagkasundo ang mga senador na bigyan ng sapat na panahon ang bawat isa upang pag-aralan ang mga “complicated issues” na may kaugnayan sa pagpapalabas ng subpoena.
Samantala, iniurong naman ng House prosecution panel ang pagpapatawag sa lima sa kanilang natitirang testigo kaugnay ng Article 4 ng impeachment complaint, na tumatalakay sa umano’y pagbabanta ni VP Sara laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Halos tapos na ang paghahanda ng Kamara para sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27. Kasama rito ang mas mahigpit na seguridad at upgrades sa mga pangunahing pasilidad.
Ayon kay House Engineering and Physical Facilities Department (EPFD) Deputy Sec. Gen. Engr. Renato dela Torre, naging maikli ang preparasyon dahil sa sunud-sunod na mahahalagang aktibidad gaya ng pagho-host ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) at ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
May mga nakatalagang teams para sa bawat bahagi ng gusali na ina-upgrade upang hindi maapektuhan ang kahandaan sa SONA.
Sa plenary hall, nananatili ang seating arrangements, kapasidad ng guests, at holding areas matapos ang interagency planning meetings.
Ang paligid ng flagpole ay inayos at nilagyan ng landscape sa tulong ng MMDA. Final na rin ang koordinasyon sa Legislative Security Bureau para sa seguridad.