Inamin ni Department of Justice Secretary Fredderick Vida na wala pang panibagong ulat patungkol sa kinakaharap na mga reklamo ni Vice President Sara Duterte sa kagawaran.
Aniya’y kapareho sa makaraan impormasyon, patuloy pa ring sinusuri ng DOJ ang ‘draft resolution’ ng reklamong ‘inciting to sedition’ at ‘grave threats’ kontra sa ikalawang pangulo.
Magugunitang noong Pebrero 2025 ay inihain ng National Bureau of Investigation ang mga reklamong nabanggit laban sa bise presidente.
Kaugnay ito sa mga pagbabantang binitawan ng ikalawang pangulo sa buhay nina President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, first lady Liza Araneta-Marcos at former House of Representatives Speaker Martin Romualdez.
Sa isang ‘pulong balitaan’ kasing isinagawa ng bise presidente noong Nobyembro 2024, isiniwalat niyang kumuha siya ng papatay sa pangulo sakaling siya’y mapatay din.
********
Naglabas ng warrant of arrest ang makati City Regional Trial Court Branch 148 laban kay Atty. Levito Baligod para sa dalawang bilang ng cyberlibel.
Nag-ugat ito sa inihaing reklamo ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na inakusahang tumanggap ng kickback sa maanumalyang flood control projects.
Bukod dito pinagbabayad si Baligod ng P20,000 piyansa para sa kada bilang ng cyber libel. Inatasan din ang mga awtoridad na sundin ang mga panuntunan ng Korte Suprema sa paggamit ng body-worn cameras o iba pang recording devices habang isasagawa ang pag-aresto sa abugado.
Kinumpirma naman ni Baligod na natanggap niya ang kopya ng warrant of arrest.
Ngunit giit niya na hindi siya nabigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang kanyang sarili dahil hindi umano siya nakatanggap ng subpoena mula sa piskalya.