Skip to content

July 10 - 8 am NEWS

July 10 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jul 10, 2026 | 10:13 AM

Ibinahagi ng Israel sa United States ang intelligence tungkol sa isang bago at “specific” na plano ng Iran na i-assassinate o patayin si US President Donald Trump.

Ang ulat ay lumabas kasunod ng serye ng retaliatory strikes sa pagitan ng US at Iran na nagbunsod sa mga pangamba ng all-out war.

Habang paalis sa isang summit ng NATO sa Turkey, hiniling ng Secret Service kay Trump na iwan ang kaniyang bagong Qatari-gifted jet. Sa halip, pinadala ang bagong eroplano sa Britain, at sumakay si Trump sa lumang Air Force One pabalik ng Washington bilang security precaution.

Sinabi ni Trump sa mga mamamahayag sakay ng eroplano na alam niya ang banta. Ayon sa kaniya, nais nila siyang mawala at siya ay nasa bawat listahan, nang hindi idinedetalye ang tinutukoy na listahan.

Pinili ang lumang eroplano na sinakyan ni Trump kesa sa bagong Qatari jet bilang security precaution, ayon sa US Secret Service.

---

Patay ang 12 katao matapos ang naganap na wildfire sa southern Spain.

Ayon kay Andalusia’s regional leader Juanma Moreno na mayroong 19 na iba pa ang naitalang nawawala.

Nagtulong-tulong na rin ang mga residente para tuluyang maapula ang nasabing sunog.

Itinuturong dahilan nito ay ang pagbagsak ng linya ng kuryente kung saan tumama ito sa mga mga damo at mga kakahuyan sa Los Gallardos, Almeria.

Labis naman ang pagdadalamhati ni Regional president Juanma Moreno dahil sa dami ng mga nasawi kung saan inaasahan nito na madadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi.

Mayroong mahigit 1,000 residente naman ang pinalikas dahil sa nasabing malaking sunog.