Nasa 2.25 milyong Pinoy ang walang trabaho noong Nobyembre 2025, mas marami kumpara sa 1.66 milyong walang trabaho noong Nobyembre 2024.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, katumbas ito ng unemployment rate na 4.4% kahit pa 49.25 mil¬yon lamang ang naitalang may trabaho kumpara sa 49.54 milyon noong Nobyembre 2024.
Ipinaliwanag ni PSA Undersecretary Dennis Mapa, 258,000 ang nawalang trabaho sa wholesale and retail trade kasama na ang repair ng motor vehicles and motorcycles nitong Nobyembre. Sa wholesale and retail trade napapaloob ang mga nagtitinda sa mga mall at bazaar na kadalasang dumadami pagpapalapit na ang pasko o ang tinatawag na ber months.
Sinisi ni Mapa sa dala¬wang bagyong nagdaan noong Nobyembre ang dahilan sa pagbaba ng employment sa wholesale and retail trade sa nasabing buwan kumpara sa nakaraang taon.
Pinakamadami naman ang nawalang trabaho sa accommodation and food service activities na nasa 309,000, na masisisi pa rin sa mga bagyong nagdaan. Pangalawa lamang dito ang wholesale at retail trade. (Eileen Mencias)
-----
Ayaw magkomento ng Malacañang sa naging aksiyon ng Estados Unidos na pag-aresto kay Venezuelan President Nicolas Maduro.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, walang pahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ginawang pag-aresto kay Maduro, bagkus ay ipinaubaya sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang usapin.
“This is about foreign policy. Bibitiwan ko ang tanong na ito at ibibigay sa DFA,” ani Castro.
Ang Amerika ay mahigpit na kaalyado ng Pilipinas kaya nag-iingat ang gobyerno na magbigay ng posisyon sa ginawang pag-aresto kay Maduro.
Ilang mga progresibong mambabatas ang umalma at nag-ingay sa ginawa ng Amerika na anila ay labag sa international laws. Kinondena rin ng ilang world leade¬r ang ginawa ng Trump administration at nabahala sa na¬ging aksiyon ng Amerika. (Aileen Taliping)
-----
Hiniling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tulong ng mga bagong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbabantay sa kaban ng bayan.
Sa kanyang talumpati matapos panumpain ang 37 bagong na-promote na heneral sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na hindi lamang proteksiyon ng bansa ang dapat na bantayan kundi pati na rin ang pondo ng bayan.
Binanggit ng Pangulo ang nilagdaang 2026 nationa¬l budget kung saan kasama rito ang pondong nakalaan sa modernisasyon sa Hukbong Sandatahan at dagdag sa base pay, gayundin ang tinaasang subsistence allowance ng mga ito.
“More than your role as the protector of our nation, you must also be among the faithful stewards who guard public resources,” anang Pangulo.
Sinabi ng Presidente na isa ang mga AFP sa mga mapagkakatiwalaang tagapangasiwa sa pagbabantay sa yaman ng bayan at siguruhing ang bawat piso ay mapupunta sa dapat nitong puntahan ng may integridad at makadagdag sa kakayahan at kahandaan ng Hukbong Sandatahan.
Kabilang sa nanumpa sa Pangulo ay si 2Lt. Rafael Cecilio Muñoz na nagtapos sa United States Military Academy. (Aileen Taliping)