Skip to content

January 6 - 8 am NEWS

January 6 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jan 06, 2026 | 9:47 AM

Opisyal nang binuksan ang Embahada ng Estado ng Palestine sa United Kingdom matapos ang isang maikling seremonya nitong Lunes, isang hakbang na tinawag ng Palestinian ambassador bilang isang makasaysayang milestone para sa ugnayan ng Britanya at Palestino.

Ang pagbubukas ng embahada ay kasunod ng anunsyo ng United Kingdom na kikilalanin nito ang Estado ng Palestine noong Setyembre 2025, kasama ang ilang iba pang bansa tulad ng Australia at Canada.

Nagudyok ito sa gitna ng matinding mga pangamba sa kalagayan ng mga tao sa Gaza.

Wala pang agarang tugon ang UK Foreign Office sa tanong kung magbubukas din ang Britain ng sarili nitong embahada sa Palestinian territories.

----

Nagpupulong ang mga kaalyado ng Ukraine sa Paris para sa mahalagang talks na maaaring makatulong sa seguridad ng bansa sakaling magkaroon ng ceasefire sa Russia.

Ngunit nagiging hindi tiyak ang progreso dahil sa paglipat ng pokus ng Trump administration sa Venezuela.

Noong Disyembre 31, sinabi ni French President Emmanuel Macron na gagawa ng konkretong commitments ang mga kaalyado upang maprotektahan ang Ukraine at matamo ang “just and lasting peace.” Dumalo sa pulong ang 35 opisyal, kabilang ang 27 heads of state, habang ang US ay nirepresenta ng envoys nina Steve Witkoff at Jared Kushner, imbes na Secretary of State Marco Rubio, na nagbago ng plano dahil sa Venezuela.

Layunin ng pagpupulong na magkaroon ng kongkretong hakbang sa limang prioridad: pagsubaybay sa ceasefire; suporta sa armed forces ng Ukraine; deployment ng multinational force; garantiya laban sa posibleng panibagong agresyon ng Russia; at pangmatagalang defense cooperation.


Ngunit di malinaw kung maaabot ang mga layuning ito habang abala ang US sa aftermath ng pamumuno sa Venezuela. Nais ng Ukraine ng matibay na garantiya ng military at iba pang suporta mula sa Washington bago makuha ang commitment ng ibang kaalyado, dahil nag-aalala ito na maaaring gamitin ng Russia ang ceasefire para muling umatake. (report by Bombo Jai)