Skip to content

January 6 - 6 am NEWS

January 6 - 6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Jan 06, 2026 | 5:30 AM

Target ngayon ng Department of Education ng magbubukas ng higit 65,000 na mga bagong teaching at non-teaching position sa mga public schools ngayong taon.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ito ay dahil sa inilaang ?15.4 bilyong pondo para sa paglikha ng 65,184 na bagong posisyon para sa mga guro.

Ang malaking alokasyong ito ay naglalayong matugunan ang patuloy na kakulangan ng mga guro at mga kawani sa sektor ng edukasyon.

Partikular na tutugunan nito ang mga pangangailangan sa mga lugar kung saan mayroong siksikan o mataas na bilang ng mga estudyante sa bawat silid-aralan.

****

Target ng pamunuan ng Philippine National Police na palawakin pa ang kanilang mga isinasagawang operasyon laban sa smuggling ngayong taon.

Sa isang pahayag ay binigyang diin ni acting PNP Chief, Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. na ang hakbang na ito ng kanilang hanay ay alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang proteksyona ang ekonomiya ng bansa maging ang kabuhayan ng bawat mamamayang Pilipino.

Naniniwala si General Nartatez Jr. na ang smuggling ay usapin din ng katarungan para sa mga tapat na Pilipino at hindi lang usapin ng mga umiiral na batas.

***

Sa Sports,  

Panalo ang Pinay tennis star na si Alex Eala sa Round of 32 ng women’s singles ng 2026 ASB Classic.

Sa laban ngayong hapon (Enero 6), naipanalo ni Eala ang deciding set (ikatlong set) sa iskor na 6-4.

Una munang nakuha ng kaniyang kalaban na si Donna Vekic ang unang set, 4-6, ngunit naitabla ito ni Eala sa ikalawang set, 6-4.

Pagpasok ng deciding set, agad na dinomina ng Pinay star ang laban at hindi na nakabangon ang kalaban, na dating Paris Olympics silver medalist.