Nagbabala ang foreign minister ng Iran na handa itong tumugon sa anumang aggresibong military operation ng US.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ng top diplomat ng naturang bansa na si Abbas Araghchi na handa na silang ‘kalabitin ang gatilyo’ bilang ganti at tugon kung sakaling lulusob o magsasagawa ng military ops.
Kung babalikan ay unang ibinabala ni US Pres. Donald Trump na patungo sa katubigang sakop ng Iran ang ‘massive armada’ ng US na binubuo ng naval vessel.
Ang mga ito ay handa aniyang kumpletuhin ang kanilang mga misyon nang mabilisan. Hindi rin isinasantabi ang paggamit ng ‘violence’ kung kinakailangan.
Pero giit ni Araghchi, tutugunan ng Iran ng kaparehong pwersa ang anumang karahasang gagawin ng US laban sa naturnag bansa.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng Iranian official ang kahandaan nitong tumugon sa ‘maayos, patas, at sinserong nuclear deal, na parehong makaka-benepisyo sa US at Iran, nang hindi gumagamit ng karahasan.
Giit ng Iranian official, bukas pa rin ito sa anumang pakikipag-usap sa US nang hindi gumagamit ng pamimilit, pamumuwersa, pagbabanta, at iba pang uri ng karahasan.
---
Binitay ng China ang 11 miyembro ng Ming family na itinuturing bilang notorious mafia na nagpapatakbo ng multibillion-dollar scam industry sa Myanmar.
Sinentensiyahan ng kamatayan ang mga ito ng korte sa Zhejiang province sa China noong Setyembre matapos mapatunayang guilty sa patung-patong na kaso ng homicide, illegal detention, fraud at pagpapalakad ng gambling dens.
Ang Ming ang isa sa maraming clan na nagpapatakbo ng Laukkaing town sa Myanmar, na ginawang mga hub ng casinos at sex trade.
Bumagsak ang kanilang empire noong 2023 nang sila’y makulong at ipasakamay sa China ng mga katutubong militias na nakasakop sa Laukkaing town sa gitna noon ng civil war sa Myanmar.
Ang pagbitay sa mga miyembro ng mafia ay nagpapaabot ng mensahe ng deterrence o pagpigil ng China sa mga magtatangkang magsagawa ng scam activities.
----
Ipinagtanggol ni Secretary of State Marco Rubio ang ginagawang pagdukot ng US kay Venezuelan president Nicolas Maduro.
Sa ginawang pagdinig ng US Senate Foreign Relations Committee, isang mahalaga ang nasabing operasyon kung saan maraming mga kaalyado nilang bansa ang natuwa.
Inaksuhan din ni Rubio ang mga bansang Iran, Russia at Cuba na nakikipagsabwatan sa Venezuela.
Pinabulaanan din nito na muling maglulunsad ang US ng pag-atake sa Venezuela.