Skip to content

January 28 - 8 am NEWS

January 28 - 8 am  NEWS
CHESTER PANGAN
Jan 28, 2026 | 10:11 AM

Ipinagmalaki ng India at European Union ang pagsasapinal ng matagal ng trade deal.

Ayon kay Indian Prime Minister Narendra Modi na matapos ang on-off negotations ay naisara na rin ang kasunduan.

Magbibigay daan ito para sa India na magbukas at mapalakas ang binabantayang market to free trade na may 27-nation EU na siyang pinakamalaking trading partner.

Dagdag pa ni Modi na tinatawag nila itong mother of all deals kung saan magdadala ito ng pangunahing opotunidad para sa 1.4 bilyon kaao ng India at milyong kaao sa Europa.


Nakatakdang magsagawa ng dagdag na anunsiyo sina Modi at European Commission President Ursula von der Leyen sa India-EU summit sa New Delhi.

-----

Nagbabala ang Iran na handa silang gumanti sakaling maglunsad ang US ng pag-atake.

Ayon kay Revolutionary Guard spokesperson Mohammad Ali Naini , na huwag lamang magkamali na pumasok sa territorial waters nila dahil tiyak ang pagganti nila.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagdating ng USS Abraham Lincoln sa Middle East na bilang bahagi ng pagbabala ni US President Donald Trump dahil sa malawakang kilos protesta.

Una na rin inihayag ni Trump na handa silang tumugon sa hirit ng ilang Iran official na diplomasyang pagkikipag-usap.


Magugunitang ilang libong protesters na ang nasawi matapos ang pagsiklab nito dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ng Iran.

----

Nais ni US President Donald Trump na magkaroon ng makakatotohanan na imbestigasyon sa naganap na pamamaril ng mga Immigration Custom Enforcement (ICE) sa Minneapolis.

Dagdag pa nito na isang malungkot na sitwasyon ang nagaganap ngayon sa Minneapolis kung saan sumiklab ang kilos protesta dahil sa pamamaril ng ICE agents kay Alex Pretti.

May malaki pa rin itong tiwala kay Homeland Security Secretary Kristi Noem na ipinapatupad nito ang immigration crackdown ng gobyerno.

Naging maganda rin ang ginagawang pag-uusap ni Border tsar Tom Homan kay Minnesota Governor Tim Walz at Minneapolis Mayor Jacob Frey.