Skip to content

January 28 - 6 am NEWS

January 28 - 6 am  NEWS
CHESTER PANGAN
Jan 28, 2026 | 7:45 AM

Ipapadala ng White House si border czar Tom Homan sa Minneapolis.

Kasunod ito sa nagaganap na kaguluhan dahil sa pamamaril ng mga Immigration Customs Enforcement (ICE) na ikinasawi ni Alex Pretti.

Sinabi ni White House press secretary Karoline Leavitt na kahit na mayroong naganap na pamamaril ay ipagpapatuloy pa rin nila ang malawakang deportation.

Natitiyak naman nito na mayroong mahigpit na imbestigasyon na gagawin ang mga otoridad ukol sa nasabing pamamaril.


Giit nito na nais ni US President Donald Trump na matapos ng tuluyan ang kaguluhan sa Minnesota.

Nagkaroon umano ng pag-uusap sa telepono sina Trump at Minnesota Governor Tim Walz kung saan pumayag umano na ang US President na bawasan ang bilang ng mga ICE agents.

----

Maraming mga paliparan sa Asya ang naghigpit sa health monitoring matapos ang outbreak ng Nipah virus sa West Bengal.

Nagtala kasi ng limang health workers sa West Bengal ang dinapuan ng virus noong nakaraang mga linggo kung saan nasa kritikal na kalagayan ang mga ito .

Habang mayroong 110 katao naman na kanilang mga nakasalamuha ang kasalukuyang inilagay sa quarantine.

Ang ansabing virus ay maaring lumipat mula sa alagang hayop patungo sa tao na mayroong mataas na death range mula 40 percent hanggang 75 percent kung saan wala pang mga gamot at bakuna para dito.


Dahil dito ay naghigpit ang Thailand kung saan sa tatlong paliparan nila ay nagsasagawa sila ng screenings lalo na sa mga galing sa India.

Maging sa Nepal ay naghigpit sila sa mga dumarating sa Kathmandu airport at ilang land border nila ng India.

---

Inihayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang susunod na hakbang nila ngayon ay tuluyang madisarmahan ang mga Hamas.

Sa pagharap ni Netanyahu sa Israeli Parliament, sinabi niya na hindi na mahalaga ang reconstruction ng Gaza.

Isinagawa nito ang pahayag matapos na maibalik na ng Hamas ang katawan ng pinakahuling bihag nila.

Magugunitang bahagi ng ceasefire deal na napagkasunduan noon pang Okubre ang pagbabalik ng Hamas ng lahat ng bihag nila ganun din ang tuluyang pagbubukas ng border para makapasok ang mga tulong.