Skip to content

January 27 - 6 am NEWS

January 27 - 6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Jan 27, 2026 | 7:47 AM

Nanawagan si Exe­cutive Secretary Ralph Recto sa Department of Health o DOH at sa Phi­l­ippine Health Insu­rance Corporation o PhilHealth na palawakin ang mga benepisyo at packages, lalo na para sa mga indibidwal na nasa middle class.

Inihayag ito sa kanyang pakikipagpulong kina DOH Secretary Teodoro Herbosa at PhilHealth President at CEO Edwin Mercado.

Ipinunto ni Recto na ang mga nasa middle class ay patuloy na nagbabayad ng kanilang mga buwis at kontribusyon kaya dapat makatanggap ng karampatang benepisyo.

Sa kanilang bahagi, sinabi ng DOH na nasa huling yugto na ito ng pagkumpleto ng DOH- Local Government Unit - Healthcare Provider Network nito, na naglalayong suportahan ang mga lokal na yunit ng pamahalaan.

Bukod sa pagpapalawak ng mga benepisyo, tinugunan ng mga opisyal ang mga hakbang na titiyak na mararamdaman ng mga Pilipino ang programang zero balance billing.

***

Mas pinadali na para sa mga komyuter ng EDSA Busway ang pagbabayad ng pamasahe gamit ang GCash at iba pang digital wallets matapos ilunsad ng Department of Transportation at Department of Information and Communications Technology  ang libreng Wi-Fi sa mga piling istasyon nito.

Ang naturang inisyatibo ay magagamit sa 17 na istasyon bilang suporta sa isinusulong ng pamahalaan na cashless public transport. Dahil dito, agad nang magagamit ng mga pasahero ang kanilang e-wallets pagdating sa mga terminal kahit hindi na nila gamitin ang kani-kanilang mga mobile data.

Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, direktang sinusuportahan ng libreng Wi-Fi ang cashless payment system na inilunsad noong Disyembre gamit ang GCash QR codes at iba pang electronic wallets bilang alternatibong paraan ng pagbabayad.