Skip to content

January 2 - 7 am NEWS

January 2 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jan 02, 2026 | 9:26 AM

Nasa 89 percent ng mga Pinoy ang nagsabing sasalubungin nila ang pagpasok ng 2026 nang may pag-asa sa halip na mangamba.

Base sa latest survey ng Social Weather Station (SWS) na ginawa nitong Nobyembre, ito na ang pinakamababang puntos sa loob ng 16 taon simula noong 2009 na nakapagtala rin ng 89%.

Nagpapakita rin ito ng isang puntos na pagbaba mula sa 90% noong 2024 at 7 puntos na pagbaba mula sa 96% noong 2023.

Sa naturang survey, 11%  naman ang nagsabing may takot sila sa pagsisimula ng 2026, mas mataas ng isang puntos sa 10% noong 2024 at may 7 point na taas mula sa 3% noong 2023. Ito rin ang pinakamataas na puntos mula nang itala ang 11% noong 2009.

Tinanong ang 1,200 adults sa survey ng “Ang darating na taon ba ay inyong sasalubungin nang may pag-asa o may pangamba?”

Nasa 92% din ang umaasa ng masayang Pasko, 83% naman ang umaasa na maging­ masaya o malungkot ang Christmas at malungkot na Christmas ay pumalo sa 79%.

“Hope for the coming New Year has always been higher among those who expected a happy Christmas than those who expected a sad Christmas,” ayon sa SWS.

Sa survey, ang may malaking pag-asa sa pagsalubong sa bagong taon ay mataas sa Ba­lance Luzon (92%), Metro Manila (90%), Visayas (85%) at Minda­nao (84%).

Ang naturang survey ay ginawa noong November 24-30, 2025 gamit ang face-to-face interviews.