Inaasahan ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na makapagsanay ng tinatayang 600,000 hanggang 650,000 na mga Pilipino ngayong taon.
Ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng kanilang budget na umaabot sa bilyong piso.
Ayon kay TESDA Secretary Francisco Benitez, ang pondong ito ay ang pinakamalaking budget na naitala sa kasaysayan ng ahensya mula nang ito ay itatag.
Kabilang sa kanilang mga programa ay ang near-hire training, upskilling programs, at mga pagsasanay na nakatuon sa digital skills.
***
Nilinaw ng Department of Health o DOH na Hindi nakaaalarma ang tinatawag na “super flu,” kahit may bagong variant na naiuulat sa ibang bansa. Ayon kaya Department of Health Secretary Ted Herbosa na wala namang indikasyon sa ngayon na nagdudulot ito ng malubhang banta sa kalusugan ng publiko sa Pilipinas.
Gayunman, pinaalalahanan ng DOH ang mga Pilipinong magbibiyahe patungo sa mga winter countries gaya ng North America at United Kingdom, kung saan may naiulat na pagkalat ng naturang flu variant.
Payo ni Herbosa sa mga biyahero na maging maalam at maghanda, partikular sa usapin ng pagbabakuna.
**
Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga bagong promote na Generals ng Armed Forces of The Philippines o AFP na patuloy na mamuno nang may integridad at panatilihing marangal ang pangalan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa oath-taking ceremony ng 37 newly promoted AFP Generals kaninang umaga sa Palasyo ng Malakanyang.
Muling pinagtibay din ng Pangulo ang pagpapatuloy ng matatag na pamumuno at malinaw na layunin ng Armed Forces of the Philippines upang manatiling handa, kapani-paniwala, at tapat sa paglilingkod sa bayan.