Skip to content

February 6 - 7 am NEWS

February 6 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Feb 06, 2026 | 8:40 AM

Naitala ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero sa kasaysayan nito matapos umabot sa 4.96 milyong biyahero ang dumaan sa paliparan noong Enero 2026.

Nalampasan nito ang dating rekord na 4.86 milyong pasahero noong Disyembre 2025.

Ayon sa pamunuaan ng paliparaan dulot umano ito ng malakas na holiday travel season, kung saan umabot sa halos 2.6 milyong pasahero ang nagsipagbiyahe mula Disyembre 20, 2025 hanggang Enero 4, 2026.

Ang Enero 4 ang naitalang pinaka-busy na araw, na may mahigit 180,000 pasahero.


Sa kabilang banda umabot naman sa 2.42 milyong international passengers ang naitala noong Enero 2026, mas mataas ng 8.16% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Samantala, iniulat din ng NAIA na ang domestic passenger traffic nito ay nagtala ng 2.54 milyong pasahero na tumaas ng 3.16% year-on-year.

----

 Inaayos muli ng mga lokal at pandaigdigang merkado ang kanilang mga plano. Sa Pilipinas, marami nang kumpanyang Pilipino ang tumitingin sa labas ng bansa para sa paglago, karagdagang kapital at pangmatagalang kakayahang makipagsabayan. Namumukod-tangi ang Hong Kong bilang isang sentro ng negosyo at pananalapi, pati na rin bilang base para sa pagpapalawak ng operasyon, pamumuhunan at koneksyon sa buong rehiyon.     

Patunay dito ang pinakamataas na bilang ng mga kumpanya sa lungsod ayon sa “2025 Annual Survey of Companies with Parent Companies Located Outside Hong Kong” at “2025 Startup Survey,” na nagpapakita na patuloy na kaakit-akit ang Hong Kong sa mga internasyonal na negosyo at mabilis na lumalaking mga startup.

Noong 2025, tinanggap ng lungsod ang 11,070 kumpanya na may parent company mula sa ibang bansa o Mainland China—tumaas ng 11% kumpara sa nakaraang taon—habang umabot naman sa 5,221 ang bilang ng mga startup, na parehong rekord sa kasaysayan.

Sa kabuuan, pinapatunayan ng mga datos na ito na mahalaga ang Hong Kong bilang lokasyon para sa mga panrehiyong punong-tanggapan at mga estratehiya sa negosyo sa ibang bansa.

---

Matapos ang ilang araw na pagkakasakit, nagpakita na sa publiko si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan dalawang aktibidad ang kanyang dinaluhan.

Kahapon unang nakita ang Presidente sa paglulunsad ng Skills Passport Mobile Application ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa San Juan City.

Nagbiro pa si Pangulong Marcos na sana ay nagdala siya ng kanyang sariling podium para hindi mahirapan, sabay turo ang matangkad na height ni Mayor Francis Zamora.

Sa talumpati ng ­Pangulo, sinabi niya na ang bentahe ng paggamit ng TESDA Skills Passport Mobile Application ay para mas mapadali at malapit ang oportunidad sa mga mamamayan dahil ito aniya ay all-in-one digital platform na.

Sa pamamagitan ­aniya ng nasabing App ay makikita na ang mga mahalagang impormasyon na may kinalaman sa TESDA trainees, scholarship, oportunidad sa trabaho at TESDA accredited na training ­centers pati na ang online training courses.

Habang ang ikalawang aktibidad ng Presidente ay ang pagdalo sa Philippine Telco Summit 2026 kung saan binigyang diin nito ang patuloy na reporma ng gobyerno para mapahusay ang broadband connectivity at serbisyo ng mabiis na internet sa bansa.

Matatandaan na sinugod sa St. Lukes-BGC si Marcos matapos na makaramdam ng ‘discomfort” dahil sa sakit na diverticulitis”.