Inanunsiyo ni White House border Czar Tom Homan na kanilang agad nilang aalisin ang 700 na Immigration Custom Enforcement (ICE) agent mula sa Minnesota.
Dahil dito ay sinabi ng Department of Homeland Security na mayroon na lamang nasa 2,000 na mga officers ang nasa Minnesota.
Dagdag pa ni Homan na ang kabuuang pagbabawas ay depende pa rin sa kooperasyon sa mga lokal at state law enforcement.
Magugunitang noong Disyembre ay nasa 3,000 na mga DHS personnel ang ipinakalat sa Minneapolis bilang bahagi ng Operation Metro Surge kung saan sinimulan ang immigration crackdown noong Disyembre.
Magugunitang nagkaroon ng malawakang kilos protesta sa Minnesota matapos mabaril si Alex Pretti noong Enero at Renee Good.
---
Hinikayat ni Pope Leo ang mga lider ng Russia at Us na muling i-renew ang kanilang nuclear arms control treaty.
Dagdag pa nito na mahalaga ang pagkakaroon ng kasunduan para maiwasan ang pagkakaroon ng paggamit ng nuclear weapons.
Ang nasabing kasunduan na pinirmahan noong 2010 ay nakatakdang mapaso na sa araw ng Biyernes.
Una ng sinabi ni Russian President Vladimir Putin na ang nasabing kasunduan ay maaaring palawigin ng hanggang isang taon.
Subalit wala pang tugon o reaksyon ukol sa usapin si US President Donald Trump.
---
Magpapatuloy at hindi magbabago ang kooperasyon sa pagitan ng Taiwan at Amerika.
Ito ang matapang na pahayag ni Taiwanese President Lai Ching-te matapos magbabala si Chinese President Xi Jinping sa Amerika sa isang phone call kay US President Donald Trump kaugnay sa $11 billion na halaga ng arms sale ng US sa Taiwan.
Ayon sa Taiwanese President, nanatiling matatag ang relasyon ng Taiwan sa Amerika at ipagpapatuloy ang lahat ng cooperation programmes at walang magbabago.
Giit pa ni Lai na nananatiling hindi nagbabago ang commitments ng Amerika sa Taiwan at mayroong malakas na channels of communication sa pagitan ng dalawang panig.
Nitong Miyerkules, nanawagan si Chinese President Xi para sa mutual respect sa pagpapalakas ng ugnayan sa Amerika, kasabay ng pag-isyu ng babala kaugnay sa pagbebenta ng mga armas sa Taiwan.
Sa kabila nito, sinabi ni Lai na hindi sila nababahala kaugnay sa kabuuan ng pag-uusap sa pagitan nina Trump at Xi. Sa halip, naniniwala ang Taiwanese President na makakatulong ito para ma-stabilize ang sitwasyon sa rehiyon.