Skip to content

February 5 - 7 am NEWS

February 5 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Feb 05, 2026 | 8:41 AM

Mahigit sa one fourth ng kabuuang trabaho sa Pilipinas ay exposed sa Generative Artificial Intelligence (GenAI), na may pinakamataas na exposure rate sa mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon sa datos mula sa International Labour Organization (ILO), 27.2% ng mga trabaho sa Pilipinas o tinatayang 12.7 milyong manggagawa ay potensyal na apektado ng GenAI.

Nilinaw ng ILO na hindi ito nangangahulugan ng direktang pagkawala ng trabaho.

Sa halip, maaari itong magresulta sa pagbabago ng mga gawain sa isang propesyon kaysa sa pagpapalit ng mga manggagawa.


Tinatayang 40.3% ng mga trabaho na pinamumunuan ng kababaihan ay exposed sa GenAI, mas mataas kumpara sa 19.3% para sa kalalakihan.

Nanawagan ang ILO na mas paigtingin ang upskilling at reskilling programs, gayundin ang proteksyon sa mga manggagawa, upang maayos na maisaayos ang mga trabahong may kaugnayan sa GenAI.

----

Nilagdaan ng Pilipinas at Japan ang panibagong loan deal para sa rehabilitas¬yon ng MRT Line 3.

Pinangunahan nina Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro at Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya ang ceremonial signing at exchange of notes sa DFA building sa Pasay City nitong Miyerkoles, Pebrero 4.

Nagkakahalaga ng P8.175 bilyon o P21.634 bilyon ang ikalawang supplemental loan. Ang unang loan ay ikinasa ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong 2023 sa halagang P17.4 bilyon.

Babayaran ang nasabing loan sa loob ng 40 taon kung saan ang interes ay 0.8% per annum.

Sa kanyang talumpati, binanggit ni Ambassador Kazuya na ikinagagalak ng Japan na magkaroon ng kontribusyon sa pagpapaganda ng railway system ng Pilipinas.