Pinabagsak ng US military ang isang Iranian drone na lumapit sa kanilang aircraft carrier sa Arabian Sea.
Ayon kay US Central Command (CENTCOM) spokesperson Tim Hawkins, ginamit nila ang isang US fighter jet mula sa USS Abraham Lincoln para pabagsakin ang drone.
Ang nasabing hakbang ay bilang pagprotekta sa kanilang aircraft carrier at mga personnel na nakasakay.
Isang uri ng Shehed-139 drone ang pinabagsak ng F-35C Fighter jet mula sa Lincoln sa bahagi ng Timog karagatan ng Iran.
Nangyari ang insidente kung saan magpapadala na rin ang Iran ng kanilang kinatawan para magkaroon ng mapayapang pag-uusap sa US.
Una ng sinabi ni Trump na handa silang atakihin ang Iran kapag hindi tumigil sa paggawa ng nuclear at kapag tumaas ang bilang ng mga nasasawing protesters dahil sa pagbagsak ng kanilang ekonomiya.
----
Hindi tumigil ang Russia sa pagpapaulan ng kanilang ballistic missiles kung sana tinamaan ang energy sector ng Ukraine.
Ang nasabing pinagsamang missile at drone strikes ay tumama sa mga power plants at infrastructure sa Kyiv at ilang mga lugar sa Ukraine.
Ayon kay Ukraine President Volodymyr Zelensky na mas pinipili ng Russia ang terror at pagtaas ng tensiyo kaysa sa diplomasya para matigil na ang giyera.
Nanawagan ito sa mga kaalyadong bansa na higpitan ang pressure sa Russia para itigil na nila ang nasabing pag-atake.
Kinondina naman ni North Atlantic Treaty Organization Secretary Mark Rutte ang patuloy na pag-atake ng Russia.
Bumisita kasi si Rutte sa Ukraine kung saan nakasalamuha niya si Zelensky at ilang mga members of parliament ng Ukraine.
Tiniyak nito ang patuloy na pagsuporta ng NATO sa Ukraine.