Pagbabawalan na ng bansang Spain ang mga batang edad 16 pababa na gumami ng social media.
Ayon kay Spanish Prime Minister Pedro Sánchez na ang mga bata ay hindi dapat ma-expose sa mga lugar na hindi nila ito dapat mapuntahan.
Dahil ang social media aniya ay doon makikita ang maraming pang-aabuso, pornography, manipulation at karahansan.
Sa kaniyang talumpati sa World Governments Summit sa Dubai, nakatakda silang magpasa ng batas para panagutin ang mga social media executives dahil sa bigong pagtanggal ng mga iligal at mapanirang contents.
Malalaman aniya lamang ito sa pamamagitan ng paggamit nila ng bagong alghorithim.
Una ng nagpatupad ang mga bansang Australia, France at Denmark sa pagbabawal sa mga kabataan na may edad 16 pababa na gumamit ng social media.
---
Kinumpirma ng gobyerno ng Cuba na may communications na nagaganap sa pagitan nila at ng administrasyon ni US President Donald Trump, ngunit wala pa umanong pormal na negosasyon o dialogue sa ngayon.
Ayon kay Cuban Deputy Foreign Minister Carlos Fernández de Cossio, bukas ang Havana sa pakikipag-usap, ngunit hindi pa ito umaabot sa opisyal na usapan para tapusin ang pressure campaign ng Estados Unidos laban sa bansa.
Ang pahayag ay kasunod ng sinabi ni Trump na may mga talks umano sa mataas na liderato ng Cuba at posibleng deal, habang pinaiigting ng US ang pressure sa isla, kabilang ang hakbang na putulin ang suplay ng langis mula sa mga kaalyadong bansa.
----
Sinabi ni US President Donald Trump na hihingi ang kanyang administrasyon ng $1 bilyong danyos laban sa Harvard University, kasunod ng ulat tungkol sa mga naging pag-uusap para sa posibleng settlement.
Inakusahan ni Trump ang Harvard at iba pang unibersidad ng pagtataguyod ng “woke” ideology at kabiguang protektahan ang mga Jewish students sa gitna ng pro-Palestinian protests.
Bagama’t may ulat na ibinaba ang naunang $200 milyong settlement demand, iginiit ni Trump na mas mataas pa ang dapat na bayaran dahil sa umano’y seryosong paglabag ng unibersidad.
Nauna nang pumayag ang Columbia University na magbayad ng $200 milyon, habang ang University of Pennsylvania ay nagpatupad ng mga patakarang hinihingi ng administrasyon.