Aminado ang World Health Organization (WHO) na nananatiling marupok at hindi pantay ang progreso sa pandaigdigang kahandaan laban sa pandemya, lalo na’t patuloy na lumilihis ang pondo ng ilang bansa patungo sa depensa at seguridad.
Sa ika-anim na taon mula nang ideklara ang COVID-19 bilang global health emergency, iginiit ng WHO na may mga hakbang nang naisagawa gaya ng Pandemic Agreement noong 2025 at mga pagbabago sa International Health Regulations.
Itinatag din ang Pandemic Fund na nakapagbigay ng higit $1.2 bilyon para sa mga proyekto sa mahigit 90 bansa, kabilang ang pagpapalakas ng surveillance, laboratoryo, at workforce training.
Bukod dito, lumawak ang kakayahan sa genomic sequencing at naitatag ang mga sentro para sa paggawa ng bakuna at biomanufacturing upang masiguro ang patas na akses sa medisina.
Gayunpaman, binigyang-diin ni WHO Director-General Dr. Tedros Ghebreyesus na “solidarity is the best immunity” at nanawagan ng mas matibay na kooperasyon sa pandaigdigang antas.
Sa kabila ng mga natutunan mula sa COVID-19, iginiit ng WHO na ang tunay na kahandaan ay nangangailangan ng tuloy-tuloy na pagbabantay bago pa man sumiklab ang susunod na pandemya.
---
Inihayag ng US Military na nakahanda sila anumang oras sa pag-atake sa Iran.
Ito ay kahit na mayroong planong isasagawang nuclear talks sa pagitan nila.
Sinabi ni US Defense Secretary Pete Hegseth, na mula pa noon ay naging malinaw na ang pahayag ni US President Donald Trump na tanggalin ang kapasidad ng Iran na gumamit ng nuclear weapons.
Bago pa man aniya ang “Midnight Hammer” na pag-atake ng US noong Hunyo 2025 ay naging desidido na si Trump sa pag-atake sa Iran.
Itinakda naman sa araw Biyernes ang pag-uusap ng mga opisyal ng US at Iran na ito ay gaganapin sa bansang Turkey.
----
Inatasan ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy ang kaniyang sundalo na gumanti sa ginawang pag-atake ng Russia.
Ang kaniyang pahayag ay matapos ang ginawang pag-atake ng Russia sa railway car sa Kharkiv region na ikinasawi ng limang katao.
Pinapanatili ng Ukraine na protektado ang rail way nila kahit na patuloy ang pag-atake ng Russia sa halos apat na taong giyera.
Dadag pa nito na hindi nila palalampasin ang ginagawang terror attack ng Russia sa kanilang mga logistic at railways.
Mula pa noong nakaraan buwan ay walang tigil ang ginagawang drone at missile attack ng Russia kung saan karamihan sa mga bikitma ay mga inosenteng sibilyan.
Itinakda naman sa araw ng Miyerkules at Huwebes ang pag-uusap ng mga kinatawan ng Russia at Ukraine na ito ay gaganapin sa Abu Dhabi, Unite Arab Emirates.