Tumestigo na si dating US Secretary of State Hillary Clinton sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay sa mga krimeng nagawa ng kontroberisyal na American financier at sex offender na si Jeffrey Epstein.
Nauna na kasing lumitaw ang pangalan ng kaniyang asawa na si dating US President Bill Clinton sa Epstein files na inilabas ng Department of Justice, bagamat hindi inakusahan ang mag-asawa ng anumang iligal na gawain kaugnay sa kaso ni Epstein.
Sa kaniyang pagtestigo sa closed door session ng House Oversight Committee na nagiimbestiga sa Epstein case, nilinaw ni Hillary na wala siyang nalalaman kaugnay sa mga krimeng nagawa ni Epstein.
Nais din niyang lumabas ang katotohanan at hinimok ang mga mambabatas na kastiguhin si US President Donald Trump nang nakapanumpa kaugnay sa kaniyang nagdaang koneksiyon sa yumaong sex offender.
Sa kaniyang pagharap naman sa media, inihayag ni Hillary ang kaniyang pagkadismaya dahil hindi isinapubliko ang kaniyang testimoniya.
Binatikos din ni Clinton ang Republican members ng komite sa hindi pagtatanong tungkol sa ibang indibidwal kabilang ang convicted associate ni Epstein na si Ghislaine Maxwell.
Nauna naman nang itinanggi ni former President Clinton ang anumang kaalaman kaugnay sa mga krimen ni Epstein at wala na umano silang ugnayan dalawang dekada na ang nakakalipas.
Nakatakda namang sunod na tumestigo ang dating Pangulo ng Amerika ngayong Biyernes, Pebrero 27.
---
Nagsagawa ng malawakang pag-atake ang Afghanistan laban sa Pakistan.
Ang military operations ay bilang ganti sa unang ipinatupad ng Taliban.
Ilang mga sundalo ng Pakistan ang nasawi habang may ilan ang kanilang inaresto sa military operations na kanilang inilunsad sa border nila.
Giit ng Taliban na may ilang mga paglabag na ginawa ang Pakistan sa kanilang border na hindi nila kayang palampasin.
Magugunitang noong nakaraang mga araw ay naglunsad ang Pakistan ng pag-atake sa Afghanistan kung saan tinarget nila ang mga terorista na nagsagawa ng suicide bombing.