Gaganapin na ngayong araw (Feb. 27) ang pagrepaso sa detention o pagkakadetene ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) Detention Centre sa The Hague, Netherlands.
Dito ay aaralin ang ang legalidad at pangangailangang manatili ng dating pangulo sa loob ng naturang pasilidad, salig sa legal standards at sariling ebidenisya ng korte.
Kung matutukoy ng ICC na ang pagkakadetene ng dating pangulo ay unjustified o lumalabag sa international law, tuluyan nitong aaprubahan ang paglaya ng deting pangulo.
Una nang nagpahayag ang dating pangulo ng kaniyang kagustuhan na hindi dumalo sa pagdinig at tanging ang kaniyang legal team na lamang muna ang magsisilbing kaniyang kinatawan sa proceedings.
**
Ibinunyag ngayon ng National Food Authority (NFA) na madadagdagan na ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang aning bigas sa kanila.
Ayon sa NFA na mas pinaluwag na nila ang ilang mga requirments para sa pagbebenta ng kanilang palay.
Bibilihin na ng NFA ang mga dry and clean na palay na may moisture content ng mas mataas na ng 11 percent hanggang 14 percent kumpara noon na hanggang 12 percent lamang.
Sinabi naman ni NFA administrator Larry Lacson na ang pagbabago ng pagbili ng mga palay ay napapanahon lamang ngayong panahon ng anihan.
**
Kinuwestyon ni UPLB Prof. Antonio Contreras ang pagkakasama ng pangalan ni ML partylist Rep. Liela de Lima sa “maleta scandal” o mga personalidad na umano’y tumanggap ng male-maletang pera.
Ayon kay Contreras, papaano raw mabibigyan ng suhol si De Lima mula 2022, gayung taong 2023 lang siya nakalaya mula sa PNP Custodial Center.
Pinuna rin nito kung bakit puro kritiko lang ng mga Duterte ang mga nakalistang idinadawit sa iskandalo.
Na-cite pa nito ang social media post mula kay dating Chairman ng Presidential Anti-Corruption Commission Greco Belgica.
Pasaring pa nito, bakit daw hindi ayusin ang script, kahit may mga supporters naman na mga writer at director.
February 27 - 7 am NEWS
Feb 27, 2026 | 8:48 AM