Skip to content

February 26 - 8 am NEWS

February 26 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Feb 26, 2026 | 10:00 AM

Aabot sa 129 na mga journalist at media workers ang nasawi habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin noong nakaraang taon.

Ayon sa Committee to Protect Journalist (CPJ) na two-thirds sa nasabing bilang ay napatay sa Israel.

Ito na ang pangalawang magkasunod na taon na nagkaroon ng record-high na bilang ng mga nasasawing journalist.

Noong 2025 ay mayroong 86 na journalist ang nasawi sa sunog sa Israel kung saan karamihan sa mga dito ay Palestinian sa Gaza.


Kasama na rin ang 31 na media workers na nasawi sa pag-atake ng mga Houthi rebels sa media center sa Yemen na siyang pinakamadugong pag-atake na naitala ng CPJ.

----

Nasa Israel ngayong si Indian Prime Minister Narendra Modi para sa kaniyang dalawang araw na pagbisita.

Ito ang knaiyang unang pagbisita sa Israel mula ng magsimula ang giyera sa Gaza.

Nakapulong ni Modi sina Prime Minister Benjamin Netanyahu at President Isaac Herzog kung saan pinagtibay pa lalo nila ang ugnayan ng dalawang bansa.

Magugunitang noong 2017 ay naging unang Indian Prime Minister si Modi na bumisita sa Israel.

Kabilang ang India na nagkondina sa ginawang pag-atake ng Hamas sa Israel noong Okutbre 7.

----

Inako at humingi ng tawad ni Microsoft co-founder Bill Gates sa mga kawani ng kaniyang charity foundation dahil sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa kontrobersyal na Epstein Files, kung saan inamin nito ang kaniyang extramarital affairs ngunit mariing itinanggi ang partisipasyon sa mga krimen ng yumaong sex offender na si Jeffrey Epstein.

Sa isang town hall meeting kasama ang Gates Foundation staff, inihayag ni Gates na isang malaking pagkakamali ang kanyang pakikipag-ugnayan sa disgraced financier simula noong 2011.

Lumabas ang pangalan ng 70-anyos na tech titan sa mga dokumentong inilabas ng US Justice Department.

Batay sa isang draft email mula kay Epstein, inakusahan nito si Gates ng pakikipagrelasyon sa dalawang babaeng Ruso, na kinumpirma naman ng bilyonaryo.

Gayunpaman, idinepensa ni Gates ang kaniyang sarili laban sa mga ilegal na aktibidad.

Namatay si Epstein sa loob ng kanyang selda sa New York noong 2019 habang hinihintay ang paglilitis sa kasong sex trafficking ng mga menor de edad.