Skip to content

February 24 8 am

February 24 8 am
CHESTER PANGAN
Feb 24, 2026 | 12:43 PM

Nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kay US President Donald Trump na pumanig sa kanila.

Ito ang naging pahayag ni Zelensky sa ikaapat na taong paglusob ng Russia sa Ukraine.

Naniniwala kasi ito na ang US ay may kakayahan at lakas para tuluyang makalayo sila sa kaguluhang dulot ng Russia.

Kahit na anong kagustuhan ng Ukraine na matapos na agad ang giyera ay hindi ito pumapayag sa mga hiling ni Russian President Vladimir Putin.

Hindi aniya maaring ibigay ang lahat ng nasi ni Putin dahil gusto nitong tuluyang masakop ang Ukraine.

----

Patay ang 19 na katao matapos ang pagbagsak ng isang pampasaherong bus sa isang bangin sa Nepal.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, na galing sa Pokhara patungong Katmandu ang bus ng mawalan ng kontrol ang drayber nito at nahulog sa bangin na may lalim na 200 metro.

Nangyari ang insidente malapit sa gilid ng Trishuli river sa Dhading District.

Mayroong 44 na katao ang lula ng bus kasama ang driver kung saan 25 dito ang nagtamo ng sugat.

Kasama sa nasawi ang isang 24-anyos na turistang British national.

Patuloy na ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.

----

Nagpatupad si Massachusetts Governor Maura Healey ng travel ban sa ilang bahagi ng kaniyang sinasakupang estado dahil sa nararanasang malawakang pag-ulan ng yelo.

Ayon sa Healey na mayroong ding limit ng hanggang 40 miles per hour dapat ang bilis ng sasakyan sa Southeastern Massachusetts.

Hinikayat nito ang mga mamamayan na manatili na lamang sa loob ng bahay dahil mahirap silang mairescue kapag na-stock sa nagyeyelong kalsada.

Nakakaranas din sa lugar ng malawakang kawalan ng supaly ng kuryente dahil sa pagbugso ng hangin na aabot sa 70mph.