Skip to content

February 24 - 6 am NEWS

February 24 - 6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Feb 24, 2026 | 6:30 AM

Inaprubahan ng House Committee on Tourism ang panukalang batas na nagtatanggal na sa travel tax sa mga biyahero.

Layon nito nito ay para mabawasan ang mga gastusin ng mga ordinaryong pasahero.

Sa nasabing panukalang batas ay mapapalakas ang travel competitiveness ng bansa.

Dahil sa pagpasa ng panukalang batas nangangahulugan nito na babaguhin ang Presidential Decree No. 1183 at Tourism Act of 2009.

Magugunitang hiniling mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga mambabatas na bigyang prioridad ang pagpasa ng nasabing panukalang batas at tuluyang ibasura ang travel tax.

**

Mariing itinanggi ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang paratang na tumanggap siya ng $2 milyon mula kay dating Rep. Zaldy Co para sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa niya, magsasampa siya ng mga kasong cyberlibel laban kina Atty. Levi Baligod, dating Rep. Mike Defensor, broadcaster Jay Sonza, 18 dating sundalo, at iba pang nagpapakalat ng umano’y maling impormasyon.

***

Ibinabala ng Department of Health o DOH ang posibleng outbreak ng sakit na measles o tigdas at rubella o tigdas-hangin sa Mindanao.

Ito ay kung mabigo ang rehiyon na maabot ang tinatawag na “herd immunity” o community immunity laban sa sakit.

Ayon sa ahensiya, mayroon pang mahigit kalahating milyon ang hindi bakunado sa Mindanao.

Sa datos ng DOH nitong Pebrero 20, mayroon ng 2.3 milyong bata o katumbas ng 82% ng target mabakunahan sa rehiyon ang nakatanggap na ng kanilang bakuna.