Hindi makikibahagi ang Vatican sa “Board of Peace” na pinamumunuan ni US President Donald Trump para pangasiwaan ang pamamahala at rekonstruksiyon ng Gaza.
Kinumpirma ito ni Vatican secretary of state Cardinal Pietro Parolin.
Ipinaliwanag ng Kardinal na hindi makikilahok ang Holy See sa naturang board dahil sa particular nature nito.
Nang matanong kaugnay sa partisipasyon ng Italy bilang observer sa Board of Peace, sinabi ni Cardinal Parolin na may ilang punto na aniya’y medyo nakapagtataka, at may ilang kritikal na isyu na dapat maresolba.
Isa sa mga ipinunto ni Cardinal Parolin ay dapat pagdating sa international level ang United Nation ang mangasiwa sa mga crisis situation. Isa aniya ito sa mga puntong kanilang iginigiit.
Una rito, mahigit 25 bansa na ang nag-anunsiyo na makikibahagi sa Board of Peace subalit ilang bansa rin ang tinanggihan ang imbitasyon ni Trump kabilang ang New Zealand, United Kingdom, Germany at France.
Samantala, nagpahayag din ng pagaalala ang Vatican Secretary of State kaugnay sa giyera sa Ukraine, ilang araw bago ang ikaapat na anibersaryo ng pagsiklab ng Ukraine-Russia war sa Pebrero 24.
Aniya, hanggang sa ngayon wala pang nagagawa ang parehong panig ng Ukraine at Russia na anumang tunay na progreso tungo sa kapayapaan makaliaps ang apat na taon.
----
Muling nagsagawa ng airstrike ang US sa tatlong bangka na umanoy nagdadala ng iligal na droga sa eastern Pacific at sa Caribbean.
Ayon sa US Southern Command na sa nasabing operasyon ay nasawi ang 11 na katao na lulan ng nasabing mga barko.
Mayroon kasi silang nakuhang impormasyon na ang mga ito ay may kargang mga iligal na droga.
Walang mga miyembro ng US military ang nasaktan habang mayroong apat na nasawi sa unang bangka, apat din sa pangalawa at tatlong katao naman ang nasawi sa ikatlong bangka.
Mula pa noong Setyembre ng nakaraang taon ng simulan ng airstrike ay umabot na sa 135 katao ang nasawi.
Iginigiit ni US President Donald Trump na ang mga bangka na pinapatakbo ng mga cartels ay siyang nagdadala ng mga iligal na droga sa US.
----
Nagkaroon ng magandang resulta ang ginawang pulong ng US at Iran.
Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na mayroong mga “Guiding Principles” silang nakapagkasunduan para hindi lumala ang nuclear tension.
Ang pulong na ginanap Switzerland ay pinangunahan din ng mga opisyal ng Oman na tumayo bilang mediators.
Isinagawa ang meeting dahil sa makailang ulit ng banta ng US military laban sa Iran matapos ang madugong pag-aresto sa mga anti-government protesters ganun din ang mga nuclear activities.
Naniniwala kasi ang US at mga kaalyado nila sa Europa na patuloy ang paggawa ng Iran ng nuclear subalit itinanggi nila ito.