Skip to content

February 17 - 6 am NEWS

February 17 - 6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Feb 17, 2026 | 6:30 AM

Kinilala ng Akbayan party-list  Atin Ito coalition ang tinaguriang “Kalayaan 16,” grupo ng mga lokal na opisyal mula sa Kalayaan, Palawan na pinagbawalan ng China na makabiyahe sa kanilang bansa.

Ang travel ban ay ipinatupad matapos ideklara ng konseho ng Kalayaan bilang persona non grata ang mga nakaraang at kasalukuyang embahador ng Beijing sa Maynila.

Ayon sa Chinese Embassy, ang hakbang ay tugon sa resolusyon ng Kalayaan Municipal Council na nagbabawal sa Chinese envoy na makapasok sa kanilang nasasakupan.

Nitong Martes ng umaga, ginawaran ng Akbayan at Atin Ito ang mga opisyal ng West Philippine Sea Heroes Award bilang pagkilala sa kanilang matapang na paninindigan.

***

Mariing nilinaw ng Department of Education  na nananatiling under review at wala pang pinal na desisyon ang panukalang paglipat sa trimester system sa mga paaralan sa bansa.

Ito ang naging tugon ng kagawaran sa gitna ng lumalakas na agam-agam at mga katanungan mula sa mga mambabatas, grupo ng mga guro, at iba pang education stakeholders.

Sa inilabas na pahayag, iginiit ng ahensya na patuloy pa ang kanilang isinasagawang malalimang pag-aaral at serye ng konsultasyon hinggil sa nasabing academic calendar reform.

Una nang umani ng batikos ang panukala kung saan kinuwestyon ng ilang sektor ang kahandaan ng sistema.