Inaprubahanna na ng mga mambabatas sa Portugal ang paghihigpit sa mga kabataan na gumamit ng social media.
Ayon sa may akda ng batas mula sa Social Democratic Party (PSD) na ang mga edad 13 hanggagn 16 ay kailangan muna ng ipagpaalam sa kanilang magulang bago gumamit ng social media.
Layon aniya nito ay para mailayo ang mga kabataan sa cyberbullying at ilang mga kahalintulad na mga krimen.
Gagamit ng public system na Digital Mobile Key (DMK) ang mga magulang para mapayagan ang mga anak nilang bata.
Makakatulong din ito para mas lalong maipatupad ang kasalukuyang batas nila na pagbabawal sa mga batang edad 13 pababa na gumamit ng anumang uri ng social media.
---
Inanunsiyo ni US First Lady Melania Trump ang paglaya ng limang batang Ukrainian na dinukot ng Russia.
Ayon sa isang matas na opisyal ng Russia na malaking tulong ang ginawa ng US First lady para mapalaya din ang isang batang Russia.
Ang pakikipag-ugnayan ni Trump kay Russian President Vladimir Putin na nagsimula pa noong Agosto ay nakakatulong na mapabilis ang proseso ng pagpapalaya ng ilang bihag.
Una ng inanunsiyo ng First Lady noong Oktubre ang pag-uwi ng walong batang Ukrainian at noong Disyembre ay pitong Ukrainian na mga bata.
Pinuri ni Trump ang pakikipagtulungan ng Russia at Ukraine para mapabilis ang pagpapauwi ng mga bihag nilang mga bata.
---
Ilang linggo matapos ang kontrobersyal na paglisan ng isa sa pinakamataas na heneral ng China, naglabas ang CIA ng bagong video na naglalayong mang-akit ng mid-level Chinese military officers bilang informants.
Ipinakita sa video ang isang fictional officer na disillusioned sa kanyang nakatataas, at bahagi ito ng kampanya ng Washington na palawakin ang human intelligence laban sa China.
Sinundan nito ang isang katulad na effort noong Mayo na nagbigay ng Chinese-language instructions sa pakikipag-ugnayan sa US intelligence.
Ayon kay CIA Director John Ratcliffe, marami na ang naabot ng mga video at patuloy nitong inaalok sa mga opisyal ng China ang “opportunity to work toward a brighter future together.”
Nitong nakaraang buwan, iniimbestigahan si Zhang Youxia, vice-chairman ng Central Military Commission, sa pinakamataas na-profile na paglisan ng senior military leader sa mga dekada.
Ayon sa CIA, matagumpay ang kampanya sa kabila ng “Great Firewall,” at nakaka-engage sa intended audience. Ang mga spy operations na ito ay bahagi ng lumalalang military at technological rivalry sa pagitan ng US at China, na itinuturing ng marami bilang bagong anyo ng cold war.