Skip to content

February 13 - 7 am NEWS

February 13 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Feb 13, 2026 | 9:05 AM

Natapos na ng grupo ng mga Buddhist monks ang kanilang 2,000 miles na “Walk for Peace” sa Washington D.C

Naglalakad ng nakapaa kung saan binalewala nila ang ulan , init ng araw, mga yelo para matapos ang paglalakad na nagtagal ng 109 na araw.

Layon nito ay para maiparating ang kahalagahan ng kapayapaan, pagmamahal at kabutihan.

Sa mga huling oras ay sinamahan sila ng ilang residente na naglakad mula Capitol Hill patungong Lincoln Memorial.

---

Pinili ni North Korean leader Kim Jong Un ang kaniyang anak na babae na susunod sa yapak niya.

Sinabi ng South Korean spy agency, na si Kim Ju Ae na pinaniniwalaang 13-anyos pa lamang ay isinasama na ng ama sa ilang mga lakad nito.

Kasama na siya noong dumalaw ang North Korean lider sa China noong Setyembre.

Naniniwala din ang National Intelligence Service dahil sa tumaas ang pagpapakita ng anak nito sa publiko lalo sa mga official event ng kaniyang ama.

Sinasanay na umano siya sa iba’t-ibang mga trabaho ng kaniyang ama.

Si Ju Ae ay nag-iisang anak umano ni Kim Jong Un at asawang si Ri Sol Ju naniniwala din ang NIS na may anak silang lalaki subalit hindi niya ito pinapakilala sa publiko.

---

Inanunsiyo ni White House border czar Tom Homan na ititigil na nila ang immigration crackdown sa Minnesota.

Ayon kay Homan na inaprubahan ni US President Donald Trump ang kaniyang hiling na tapusin na ang operasyon.

Mananatili din ito ng ilang araw para matiyak na ito ay matagumpay.

Giit nito na ang ginawa nilang Operation Metro Surge ay nagresulta sa maraming iligal na immigrants na gumawa ng mga krimen.

Nagkaroon din ng malawakang kilos protesta ang kanilang operasyon lalo na sa pagkasawi nina Renee Good at Alex Pretti na nabaril ng mga immigration officers.