Nagbabala si Taiwanese President Lai Ching-te sa mga bansa sa Indo-Pacific Region na maaaring maging sunod na target ng China sakaling masakop ang kanilang teritoryo.
Sa isang panayam sa Presidential Office Building sa Taipei, sinabi ni Lai na kapag naging annex ng China ang Taiwan, hindi titigil dito ang pagpapalawak pa ng mga ambisyon ng China.
Inilahad ni Lai na ang sunod na mga bansang maaaring malagay sa banta ay ang Japan, Pilipinas at iba pang bansa sa rehiyon, na maaaring lumawak umano ang epekto sa Americas at Europe.
Kamakailan din aniya’y pinagtatanggal ang Chinese generals mula sa military ng China, na isang hindi pangkaraniwang sitwasyon. Sa kabila nito ay hindi natitinag ang Taiwan at patuloy sa kanilang paghahanda.
Matatandaan, nauna nang nagbabala si Chinese President Xi Jinping sa Amerika laban sa pagbebenta ng mga armas sa Taiwan subalit sinabi ni Lai na titindig ang US sa Taiwan at hindi ito gagamiting “bargaining chip” sa China.
---
Umabot ng mahigit tatlong oras ang ginawang pagpupulong nina US President Donald Trump at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Nasa White House si Netanyahu para isulong ang ilang mga ceasefire deal sa Gaza ganun din ay iprinisinta nito ang plano sa Iran.
Sinabi ni Trump, nais muna niyang magkaroon ng magandang resulta ang nakatakdang pulong ng mga kinatawan ng US at Iran.
Noong una kasi ay nagmatigas ang Iran na itigil ang paggawa ng nuclear weapon kaya kanila itong inatake.
Ito na ang pang-anim na pag-uusap nina Trump at Netanyahu mula ng maupo ang US president sa ikalawang termino.
---
Iinilabas na ng kapulisan sa Canada ang pagkakakilanlan ng suspek na nasa likod ng pamamaril sa Tumbler Ridge school.
Sinabi ni Deputy Commissioner Dwayne McDonald na ang kabuuang bilang ng nasawi ay walo lamang kumpara sa unang sinabi nila na ito ay siyam.
Ang suspek ay si Jesse Van Rootselaar, 18-anyos na babae.
Sianbi pa ng opisyal na isinilang na lalaki ang suspek at nagsimulang maging babae noong edad anim na taong gulang.
Natagpuang patay na lamang ang suspek sa isang kuwarto ng paaralan na pinaniniwalaang ito ay nagpakamatay.
Ang mga biktima ay kinabibilangan ng tatlong babaeng estudyante na may edad 12-anyos, dalawang lalakeng estudyante na may edad 12 at 13 anyos.
Natagpuang nasawi din sa kanilang bahay ang ina ng suspek at step brother ng suspek.
Tiniyak naman ni Canadian Prime Minister Mark Carney na kanilang tutulungan ang mga pamilya ng biktima at hihigpitan ang pag-aari ng baril dahil ito ang itinuturing na pinaka-grabeng pamamaril sa kasaysayan sa Canada.