Pinayagan na ng International Criminal Court o ICC ang kahilingan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang prosecution na magdagdag ng mga bagong ebidensiya na gagamitin sa pagdinig.
Sa apat na pahinang desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber 1 na may petsang Pebrero 10 ay inatasan ng ICC Pre-Trial Chamber 1 ang depensa at prosecution na maghain ng bagong ebidensiya ng hanggang Peberero 13.
Una ng hiniling ng legal team ng dating pangulo mula sa ICC na magdagdag ng 78 na mga bagong ebidensiya na isasama sa confirmation of charge.
Hindi naman ito kinontra ng prosecution kaya pinayagan na lamang ito ng ICC.
***
Umapela ang National Union of Students of the Philippines sa mga unibersidad at mga eskwelahan na ideklara ang Pebrero-25 bilang holiday.
Ito ay bilang pakikiisa sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ayon sa grupo, nararapat lamang ang buong-pusong pakikiisa ng mga eskwelahan sa mahalagang kaganapan upang isabuhay ang legasiyang iniwan ng People Power.
Naniniwala ang grupo na hindi dapat ituring bilang isang normal working day ang Pebrero-25.
Sa halip ay igniit ng grupo na dapat linangin ang ‘historical consciousness’ o kaalaman ng publiko ukol sa kasaysayan, sa pamamagitan ng makabuluhang akson laban sa iba’t-ibang problema ng bansa tulad ng korapsyon sistematikong pagnanakaw, atbpa.