Skip to content

February 11 - 6 am NEWS

February 11 - 6 am NEWS
CHESTER PANGAN
Feb 11, 2026 | 6:30 AM

Nagpahayag ng kahandaan ang ilang mambabatas na makibahagi sa maritime domain awareness na ginagawa ng Philippine Coast Guard  sa West Philippine Sea.

Ayon kay Rep. Terry Ridon ng Bicol Saro partylist , kung may mga senador na nag-aalinlangan magpakita ng suporta sa tindig ng PCG sa karagatan at teritoryo ng ating bansa, sila umano sa Kamara ay nakahandang makibahagi sa programa.

Ikinalungkot din ni Ridon na may mga lumilitaw pang pahayag na tila nagpapahina sa claim natin sa lugar na dati na nating pag-aari. Hangad ng mambabatas ang mas bukas at maayos na talakayan hinggil sa ipinaglalaban nating teritoryo.

**

Katuwang ng Department of Public Works and Highways o DPWH, layon kasama ng Department of Information and Communications Technology sa pamamagitan ng ‘integrity chain’ ang ‘transparency’ sa gobyerno.

Naniniwala ang kalihim ng DPWH na si Sec. Vince Dizon na ang isa rin sa makakatulong sa pagsugpo ng korapsyon ay mapasabatas na ang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for Nation Accountability o CADENA Bill, isinusulong ni Senador Bam Aquino.

Kanyang binigyang pagkilala ang pangunguna ni Senador Aquino upang ito’y maipasa na at makapagbigay pagkakataon sa publiko magkaroon ng ‘access’ sa pondo ng bayan.

Ang naturang panukalang batas ay itinuturing na mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ‘legislative priority’.

**

Opisyal na papadalhan ng imbitasyon si U.S. President Donald Trump para dumalo sa Association of Southeast Asian o ASEAN Summit na gaganapin dito sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Babe Romualdez, dati nang naipaabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang personal na paanyaya sa pangulo ng US noong nagkausap ang dalawa sa Oval Office noong nakalipas na taon.

Nangako rin aniya si Trump na dadalo sa mahalagang pagpupulong.

Gayunpaman, kailangan pa aniyang maisapormal ang naturang imbitasyon.