Pumalo na sa 14 katao ang nasawi matapos ang pagguho ng gusali sa Tripoli City, Lebanon.
Ayon sa Lebanese civil defense na ang gusali ay binubuo ng anim na apartments sa Bab al-Tabaneh isa sa mga pinakamahirap na lugar sa lungsod.
Tinatayang nasa 22 katao ang nasa loob ng mga gusali noong mangyari ang pagguho.
Mayroong walong katao ang nakaligtas sa nasabing insidente at itinigil na ng mga otoridad ang paghahanap.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.
---
Patay ang apat na katao matapos ang ginawang malawakang missile at drone attacks ng Russia sa Ukriane.
Ayon sa Ukrainian air force, na nagpakawala ang Russia ng hindi bababa sa 10 missiles at 149 na drones sa magdamag.
Kasamang nasawi sa insidente ang isang babae at anak nitong 10-anyos na lalaki sa bayan ng Bohodukhiv.
Nasugatan din sa insidente ang siyam na iba pa kung saan ang mga ito ay dinala na sa pagamutan.
----
Ginamitan ng kapulisan sa Australia ng pepper spray ang mga nagsagawa ng kilos protesta.
Tinututulan kasi ng mga protesters ang pagbisita sa bansa ni Israeli President Isaac Herzog.
Ilang katao na rin ang inaresto ng mga otoridad matapos na makasagupa ng mga kapulisan.
Nasa Australia si Herzog para kumustahin ang mga kaanak ng nasawi sa naganap na pamamaril sa Bondi Beach noong nakaraang mga buwan.
Sa apat na araw na pagbisita ni Herzog ay dinalaw nito ang mga puntod ng nasawing biktima ng Bondi beach shooting.
Inimbitahan siya ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa layon na magkaroon ng pagkakaisa at maging kalmado ang mga biktima ng Bondi beach shooting na pawang mga Hudyo.
Tiniyak din ng mga protesters na itutuloy nila ang pagsagawa ng kilos protesta na lalawak pa sa iba’t-ibang bahagi ng Australia.